chapter 16 Anastasia's Point of View Nandito lang ako sa apartment ko ngayon. Hindi ako pumasok, bukod sa maya maya ay nahihilo ako ay bigla na lang akong nasusuka sa hindi ko magustuhang amoy. Alam na din ni Kenneth ang pinagdadaanan ko pero hindi ko pa nasasabi sa kaniya na ang regular costumer namin ang Ama. Hindi ko na sinabi dahil ayokong mas magalit pa sita dito. How are you now? Basa ko sa isang text message na dumating. Message na mula kay Kenneth. Nireplyan ko naman siya agad at sinabi ko na ayos lang ako. Kahit nagpupumilit akong pumasok ay siya mismo ang nagsasabing wag dahil matapang ang amoy ng mga alak sa barr. "Ano na kayang gagawin ko? Maglilimang buwan pa lang ako tapos hindi na agad ako makapasok dahil maselan ang kalagayan ko." Kausap ko sa sarili ko. Sa toto

