Kabanata 2 Kenneth

1542 Words
|R-18 “Where to go, guys?" tanong ko sa kanila habang naglilligpit na dito sa bar. “Mamumulubi na kami sa'yo, Tasha. Araw-araw ka na lang nagyaya kumain sa labas after shift. Temptasyon, layuan mo ako." pabirong chant ni Kianna sa ulunan ko. Kinuha na rin niya ang kaniyang bag sa counter. “Mauna na ako sa inyo. Kayo na lang muna ang magpa-budol kay, Tash. Ihahatid ko pa ang anak ko sa morning class niya." she waved us goodbye. I happily snapped back my gaze at my other co-workers left. Ginagawa ko pang beautiful eyes at pouty ang labi ko para wala nang makakatanggi pa sa kanila. But to my disappointment, isa isa na silang nagbigay nang kani-kanilang rason. "Pass muna ano, Tasha. Sasamahan ko pa kasi ang nanay ko magpacheck-up.” wika ni Raven, ang isa pang babae na kasama ko. "Next time na ako, baby babe. Antok na ako.” sabay hikab ng mokong na si Gerald. “Okay, tanggap ko naman. Ganito talaga ang buhay, minsan kailangan mong mag-isa–” "Nandito naman ako!" Naputol ng hiyak ni Kenneth galing kung saan ang pagdradrama ko. Lumabas ito mula sa locker room na naka casual na damit na. Abat’t nauna pa talaga sa'min magbihis e hindi pa nga tapos magligipit? Really, the audacity of this man? Tsk. Siya pala ang kasama ni Gerald. Lima kaming tao sa bar maliban sa bouncer. Bawal silang makipagusap sa amin sa hindi malamang dahilan. Ngumuso ako. Mas masaya kasing kumain ng madaming kasama, but do I have a choice right now? "Wala ka bang uuwian ng maaga?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami palabas. "Wala. Katulad mo nangungupahan lang din ako." sagot niya sa akin. "Okay. So, bakit ka nagtratrabaho sa bar?" curious kong tanong sa kaniya. "Wala akong mataas na pinag-aralan, walang kukuha sa aking magandang company. Mukha lang ang puhunan ko, wala na akong ibang maipagmalaki kaya nang natanggap ako sa unang subok ko dito, hindi na ako umalis.” kwento niya "We actually have the same fate.” I told him. Ngumiti lang siya nang marahan. Pagliko namin sa kanto, namataan agad namin ang dami ng tao sa karinderyang madalas namin puntahan magkakatrabaho. “Bakit kaya ang daming kumakain ngayon? Nakakatamad maghintay at makipagsiksikan, hays." Napabuntong hining na lang ako dahil gusto ko talagang kumain doon ngayon. "Gusto mo, sa bahay na lang tayo kumain?” offer ko kay Kenneth. Malapit lang naman iyon dito, walking distance lang kaya hindi nakakahiya ayain ang kasama kong ito. “Okay lang ba sa'yo? Ibig kong sabihin, lalaki pa din naman ako baka nakakalimutan mo" nagaalalang wika nito. "OA ka. Kakain lang tayo ‘no? Hindi naman ako ang gagawin mong dessert, hindi ba? Ang dumi ng utak mo, linis-linisin mo nga.” pabiro kong wika. Natawan naman ito nang tuluyan. “Palabiro ka talaga. Game! Mag take-out order na lang tayo para mabilis. Ako na ang oorder para sa’tin, intayin mo ako diyan.” Itago man nito ngunit napansin ko ang pamumula ng leeg niya hanggang mukha. Mestiso kasi si Ken kaya kita agad sa kaniya. Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na ito dala ang pagkain namin, nagpa-iwan na kasi ako rito sa labas dahil halatang mainit sa loob dami ng tao. "Halika! Pasok ka. ‘Wag kang mahiya." sabi ko sa kaniya at binuksan ang pintuan. Nang makapasok kami sa loob ng apartment ko ay pinaupo ko na lang siya sa isang silya. “Pasensiya na dahil makalat. Hindi ko rin kasi akalaing may dadalhin akong bisita dito." nahihiya kong wika. “Maupo ka muna diyan. Ihahanda ko lang itong binili natin." "Tulungan na kita.” pagpupumilit pa nito. "Ako na. Ano ka ba, bisita kita kaya doon ka na.” pilit ko siyang itinataboy ngunit talagang makulit ang lahi nito dahil siya na ang kumuha ng mga kubyertos na gagamitin mula sa lalagyan habang isinasalin ko ang masarap na lugaw na may letson kawali on top. “May girlfriend ka? Magaling ka mag-asikaso ah.” puna ko rito. “Wala ‘no. Very single." “Nagka-girlfriend?" usisa ko pa. “Nagkameron na. Bakit mo natanong?" nakukulitan na siguro sa'kin. “Wala. Gusto ko lang aware ako sa paligid, mamaya may sumabunot na lang sa'kin bigla. Joke!" “Ikaw talaga. Wala naman kaya ‘wag kang mag-alala, sa'yo lang ako. Joke rin!" banat niya pa at binuntutan ng tawa. "Ikaw, ha? Marunong ka rin pala niyan." biro ko sa kaniya. Nginisian lang ako ng loko. "Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita.” alok ko habang kumakain kami. Tumango siya at nagpasalamat. Gumawa ako ng dalawa, tig-isa kami. "Here. Ito rin ang asukal. Hindi ako masyadong mahilig sa matamis kaya baka matabang para sa iyo, dagdagan mo na lang." Ibinababa ko ang kape at asukal sa tabi ng plato niya. "Nakakatulog ka ba kahit nagkakape?" curious na tanong niya. Sino nga naman kasing matinong night shift ang kape ang iinumin? “Oo. Actually, pampatulog ko ang kape, kapag hindi ako nakakainom ng kape mas hindi ako nakakatulog. Weird ‘no?" sagot ko. “Pareho tayo! Kaya hindi rin ako tumanggi nang alukin mo." masayang pagkukuwento nito. Kumain kaming dalawa habang nagkukwentuhan ng mga bagay bagay. Tirik na ang araw kahit alas ocho pa lang ng umaga kaya’t naiinitan na agad ako. Hindi talaga sumasapat ang hangin ng pipitsugin kong electric fan. “Ang init!" sabi ko habang tinataas baba ang t-shirt na suot ko. Aware akong nakikita ni Kenneth ang panloob kong bra dahil sa ginagawa ko pero kiber lang dahil nagiginhawaan ako sa ginagawa ko. “Ano ba?! May lalaki kang kasama!" histerikal na puna ni Ken. “Eh ano naman? Hindi ka naman manyakis na tulad ni Gerald, ‘di ba?" biro ko pa rito. Nakakatawa kasing asarin dahil namumula na naman siya. Nakangiwinv tinawanan na lamang niya ako at itinuloy ang pagkain, nakatungo pa nga ito waring iniiwasan na mapatingin sa gawi ko. “Uy, natahimik ka diyan. Bakit, naaakit ka ba sa’kin?” pang-uusig ko pa dito. "Lalaki pa rin ako, Tash. Sa kinis at ganda mong ‘yan, sa tingin mo sinong lalaki ang hindi ka mapapansin? Tsaka, bonus na rin na ang galing mo talagang makisama kaya madali kang magugustuhan ng kahit sino.” tapat nitong pag-amin. "Ang haba naman n’on! Kung attractive ako, oo at hindi lang ang sagot. Akala mo may biglaan kang pagsusulit sa isinagot mo sa’kin.” pang-aalaska ko rito para mawala ang awkwardness niya sa'kin. Tapos na kami kaya tumayo na ako para ligpitin ang mga kinainan namin. Hinugusan ko ito agad. Makalat man ako sa mga damit at ibang bagay, pagdating naman sa ganito ay masinop ako. Ayoko kasi talaga yung nililiparan na ng langaw at ibang insekto ang paligid kaya malinis ako sa ganito. Isa pa, ayokong nabubulukan ng pagkain ang mga gamit ko. Saktong tapos na akong maghugas nang tumayo zi Kenneth at magpaalam "Salamat sa pagtanggap, Tash.Mauuna na pala ako." sabi niya sa akin. "Kakatapos mo lang kumain, aalis ka na agad? Pababain mo muna ‘yang kinain mo, uy!” pigil ko sa pagmamadali nito. “Ah, eh inaantok na kasi ako." rason niya. If I know, nasu suffocate lang siya na kaming dalawa lang dito, hmp. “May kama ako, duh.” "Babae ka pa rin at lalaki ako–" Hindi ko na siya pinatapos dahil hinila ko na lang siya basta papunta sa kama. “Ayan, higaan. Dami mong problema, matulog ka na diyan, maghahalf bath lang ako saglit. Tumalikod na ako para kumuha ng pamalit at tuwalya. Nilingon ko siya upang paalalahanan ngunit natawa na lang ako nang makitang tulog na tulog na agad siya dahil nakabuka na ang kaniyang bibig. "Ang kulit kulit pa kasi, bilis niya ngang nakatulog oh.” I hummed my way towards my bathroom and cleaned myself. Sinuot ko ang sando ko ng walang bra. Mahaba naman ito na aabot hanggang hita ko kaya hindi na rin ako nag-abalang magsuot ng undies. Tinulak ko bahagya si Ken para magkasya ako. "Sorry!" sabi niya nang magising sa pagtulak ko. "Ayos lang naman." sabi ko sa kaniya. Humiga siya nang nakaunan ang kamay niya sa kaniyang ulo. Kinuha ko ang pagkakataon at inunan ko naman ang kaniyang braso. Napaigtad pa siya sa gulat ngunit hindi naman niya ako pinaalis. Para siyang tuod na naninigas kaya ang ginawa ko ay tumagilid ako. Nakadikit na ngayon ang katawan ko na tanging manipis na sando lang ang pagitan ng katawan ko sa kaniya. Alam kong nararamdaman niya ang hinaharap ko at binabaliwala niya lang iyon bilang respeto sa akin. Sa kanilang dalawa ni Gerald, mas tahimik siya. He's not vocal about his admiration towards so me it's a shock that he gets to admit what he had said earlier. Nonchalant type talaga siya. Pero sa lahat ng pag-aaya ko sa grupo, siya lang ang tanging hindi kailanman ako natanggihan. Kahit ngayon araw, hindi niya ako nagawang tanggihan sa kabila ng kaalamang kami lang dalawa ang magkasama ngayong umaga. Actually, I was feeling horny around him so I decided to make the first move but to no avail, he's not really cooperative. Ang hina naman ng lalaking ‘to. Itinulog ko na lang ang nararamdaman ko. Bahala na si Batman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD