KABANATA 27 Nakahinga nang maluwag si Sancho. Akala niya talaga’y iba ang magiging reaksiyon ni Lui. Pero ano pa at naging kaibigan niya ito? Lui’s like that. He always understand. Naisip ni Sancho na kapag nawala ang kaibigan na ganito sa buhay niya ay magkakaroon ng kulang. Lui is one of those who completes his life. Tumayo siya dala ang kinainan sa lababo. Napangiti siya nang makita ang likuran ni Lui na naghuhugas ng plato. Sumandal siya sa sink at magkakrus ang mga braso na pinakatitigan ito. Wala pa ring nagbago, ito pa rin ang Lui na nakilala niya noong mga bata pa sila. Wala nang mas sasaya sa kaisipan na tinanggap niya ang ganitong tao sa kaniyang buhay. Walang pagsisisi si Sancho. “May dumi ba ako sa mukha, Sancho?” natatawa nitong tanong sa kaniya. “Wala. Naalala ko lang noo

