KABANATA 33 Ngayon ay lubusan nang naiintindihan ni Sancho kung ano ang plano ni Taira para hindi sila mahuli na magkasama ngayong weekend. Papunta siya ngayon sa mall na pinuntahan nila dati dahil doon nito sinabi sa ate nito – na naghatid rito – na meeting place raw nila ng kaklase nitong pagtutulugan niya para sa isang school project. Ngunit ang totoo ay ngayon niya ito roon susunduin ng alas-otso ng gabi. Gabi para kapag nabalik sila sa dorm ay patulog na ang mga tao. Alam niyang masama ang magsinungaling, pero matalino ito magsinungaling! Natawa siya at napailing nang mamataan niya kaagad ito sa second floor ng mall. Kumakaway ito sa kaniya at malapad ang ngiti. May isang backpack at nakasuot ng medyo may kalakihan ditong jacket, nakapantalon, at puti na rubber shoes. Nang makalapit

