KABANATA 24 Mabilis na nagtakha si Sancho nang wala na siyang natanggap na reply mula kay Taira. Naisip niya na baka gumagawa na ito ng mga takdang aralin nito ng ganito kaaga. Weekend ngayon at naisipan nila ni Lui na maglinis ng buong silid nila. Napatingin siya sa banda ng kaibigan at natawa siya dahil nakigaya ito sa kaniya at naghubad ng damit. Hindi pa rin ito nagbabago. Kung ano ang ginagawa niya ay ginagaya rin nito. “Baka sa susunod na buwan ay makadadalaw na tayo sa ampunan. Ipagsasama natin ang mga ipon natin,” narinig niyang sabi ni Lui. Napapunas siya ng mga pawis sa noo gamit ang kaniyang braso. Kalahating oras pa lang ay hapo na sila sa ginagawa. Maliit lang naman ang silid nila pero mabilis madumihan. Naiisip niya ang mga araw na mag-isa si Lui na ginagawa ito dahil nasa

