“BINALAAN ko na kayo pero ito pa rin ang aabutan namin pag-uwi namin? Inuubos mo talaga ang pasensiya ko sa iyo Pocholo!” Kahit hindi si Lorie ang sinisigawan ni Don Jaime Montemayor ay napangiwi pa rin siya at napakurap sa dagundong ng boses ng matandang lalaki. Hindi pa nakikita ni Lorie ang don dahil pinahinto siya ni Choi sa b****a ng pinto ng mansiyon habang karga niya si Maja. Si Choi raw muna ang papasok dahil ayaw ng binata na madamay sila ni Maja sa galit na alam nitong aanihin nito. Hayun nga at kakapasok pa lamang ni Choi ay umabot pa sa kanya ang boses ng ama nito. “Jaime, ang puso mo. Ikaw naman kasi Pocholo. Bakit ba kailangan mo pang isangkot ang pangalan mo sa ganito katinding eskandalo? This is a big blow to our family,” narinig ni Lorie na sabi ni Edna Montemayor. Noon

