Chapter 24

871 Words

PARA BANG narinig ni Choi ang pagtawag ni Lorie rito sa isip niya dahil bigla itong bumaling sa kanila. Sa kabila ng shades ni Choi ay alam ni Lorie na nagtama ang mga mata nila. Napansin niya iyon sa biglang pagderetso ng tayo ng binata at mabilis na pagsasara sa pinto ng sasakyan nito. Awtomatikong sumikdo ang puso ni Lorie nang magsimulang lumakad si Choi patungo sa kanila na ni hindi man lang nag-abalang tumingin sa paligid nito. Bakit ngayon pa nagpakita si Choi kung kailan may ibang kailangang isipin si Lorie? Bakit kailangan pa nitong makisabay sa pagdating ng ate niya na maraming taon na niyang hindi nakikita? Nang sa wakas ay huminto na si Choi sa pinakaharap ni Lorie ay noon lamang niya napagtanto na pigil pala niya ang kanyang hininga. Ilang segundong katahimikan ang namagitan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD