“NAGKITA na ba kayo?” Mula sa pagngiti sa kumukuha ng larawan niya ay napalingon si Choi sa tanong na iyon ni JT. Nasa launching sila ng bagong collection ng mamahaling sports wear apparel kung saan sila naimbitahan ng araw na iyon. Guest lamang sina Choi roon dahil ang tunay na bida sa araw na iyon ay ang kapatid niyang si Riki na siyang modelo ng bagong clothing collection na iyon na kasalukuyang nasa isang panig at pinalilibutan ng mga babae. Choi also had a share of groupies tailing him a while ago pero nagawa niyang itaboy ang mga iyon. Sa totoo lang ay nabo-bore na si Choi sa company ng mga babaeng iyon. At kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang manatili na lamang sa unit niya kasama sina Lorie at Maja dahil pagdating sa dalawang iyon ay wala siyang nararamdamang boredom. But

