“THIS is a huge problem, man. You’re in big, big trouble,” malakas na bulalas ni Riki na kahit sa guest room ay nadinig ni Lorie pagkatapos niyang marinig na ipaliwanang ni Choi sa mga kapatid nito ang sitwasyon. Hindi mapigilan ni Lorie na makinig sa pinag-uusapan ng magkakapatid. Kahit hindi niya intensiyong gawin iyon. Pumuwesto si Lorie sa likod ng pinto sa silid ni Maja na sinadya niyang iwang nakaawang habang abala sa pagbubuklat ng children’s book si Maja sa kama. “I know. Pero hindi ko naman kasi alam na ganito ang mangyayari sa involvement ko kay Sheila. Worst, I still don’t know where the hell she is! I don’t want to be in another scandal. Gusto kong bumalik sa dati ang buhay ko,” narinig niyang sabi ni Choi. Ilang segundo ang lumipas bago narinig ni Lorie ang malumanay na ti

