Chapter 53

1580 Words

"Ayoko nang mabuhay muli kung ako ang mamamatay!" Napatingin kaming lahat kay Lucian mula sa ginagawa naming panunuod sa dalawang bituin na kumislap ng ilang beses sa langit bago nawala ang mga ito sa aming paningin. "Sabi mo lang iyan," sagot sa kanya ni Marco. "Kapag nangyari iyon ay wala ka ring choice kapag pinainom ka namin ng dugo ni Yuri para mabuhay kang muli,"dagdad pa nito na lalong nagpaputla sa mukha ni Lucian. Sinong makakaisip na namumutla rin pala ang mukha ng isang Demonyo kapag nandidiri ito? "Kumusta ang pakiramdam mo, anak? Marami-rami ring dugo ang nawala sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Ina. Ngumiti ako sa kanya. "Hindi ko ikamamatay ang ilang patak ng dugo para muli silang mabuhay, Ina." "Patak? Ilang litro yata iyong ipinainom mo kina Asmodeus at Renus kanina!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD