"Congratulations!" Matamis akong ngumiti kay Yuri at patakbong yumakap sa kanya. "Congratulations, Jay," narinig kong pagbati ni Marco kaya kumalas na ako sa nobyo at hinarap siya. "Congratulations din sa'yo, Marco," natutuwa kong sabi. Umikot ang mga mata niya ikinatawa namin. "Yeah, for graduating a course that I will not apply when I go to Mars." "Ano ka ba? Malay mo ay ma-apply mo roon iyong mga napag-aralan mo." Napailing na lang siya sa akin. Pagkarating kasi ni Yuri pabalik dito sa mundo ay minabuti ni Marco na manatili pa upang sabay na lang kaming aalis pagdating ng takdang panahon. At dumating na nga ang takdang panahon na hinihintay namin. Pinatapos muna ako ni Yuri sa aking pag-aaral dahil alam niyang pangarap ko iyon. Nakakatuwa na nakasuporta siya sa akin sa adhi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


