Chapter 67: Jay

1812 Words

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malalakas na pagkatok sa pintuan ng kuwartong nirerentahan ko. Halos madapa nga ako para lang mapagbuksan kaagad ng pinto ang kung sinomang nambubulahaw na iyon. Nanlalabo pa ang aking mga mata kaya kaagad kong ipinikit-bukas iyon nang ilang ulit upang mabistahan nang maayos ang kaharap ko. "Lucian?!" gulat kong sambit sa kanyang pangalan. "Good morning, Jay. Or should I say, good dawn?" Napanganga ako sa kanya nang diretso siyang pumasok sa kuwarto at saka pabagsak na nahiga sa kama ko. Mabuti na lamang at hindi nawasak iyon nang dahil sa ginawa niya. "Anong ginagawa mo rito? Paano mo ako nahanap?" magkasunod kong tanong. At dahil nahihilo pa ako sa bigla kong pagbangon at pagtakbo ay hindi ko mahanap ang kinaroroonan ng wall clock ko. Nang mahanap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD