Chapter 39

1741 Words

"Michael..." Tumingin siya sa akin nang diretso. Mababanaag sa kanyang mukha ang kanyang pinal na desisyon. "Maaaring nagtatanong ka kung bakit pagkatapos pa ng labanan ang hiling ko," may simpleng ngiti sa labi niyang sabi. Tumango ako sa kanya. Nag-iwas naman siya ng tingin bago sumagot. "Gusto kong lumaban na hindi lang si Ama, ang mundo, at ang mga tao ang pinoprotektahan ko. Gusto kong lumaban para masiguro ang kaligtasan ng nilalang na..." Nahigit ko ang aking hininga bago pa man niya masambit ang mga huling salita. "... minamahal ko, Yuri." Tahimik lang ako at hinayaan siyang magsalita upang mailabas ang lahat ng saloobin niya. "Sa kabila ng galit at pagkamuhi ko sa kanya ay hindi ko maitatanggi na mula noon at magpasahanggang ngayon, siya lang ang naging laman ng puso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD