"Oh. My. Gosh! N-no...no!" Napahumindig kaagad na nabitiwan ni Selma ang naghuhumindig pa rin na pagkalalake ng kaharap. Parang nanlaki ng kanyang ulo. Napahawak siya sa noo na kagyat na napaatras ng bangon at karakang nahablot ang bedsheet at ibinalabal sa katawan.
Maging ang lalake ay nanlalaki rin ang mga mata na biglang nadaklot ng isang kamay ang sariling pagkalalake at parang nalilitong napalayo sa kanya. Nang di magkasya ang isang kamay sa pagdaklot doon ay dumaklot na din ang isa pa para maitago ang di niya dapat makita.
"Oh my God,what have I done? Nasaan si Zander? Sino ka? Bakit ikaw ang nandito sa kuwarto ng nobyo ko?" Hindi niya alam kung maiiyak na siya o ano. Litong-lito siya. Gusto niyang sampalin ang sarili at baka nananaginip lang siya. Bumabangon na ang panic sa dibdib niya.
Parang nananantiyang tinignan siya ng lalake. Napakunot-noo. Saka napangisi. Pero hindi iyon umabot sa mata. In fact,he was disgusted. It was written all over his face.
"Cut the crap,damn it." Gumalaw ang mga bagang nito. "Kung isa ka rin sa mga babaeng ginagawa ang lahat para lang masilo ako,mag-isip ka ng mas original diyan. Masyado nang gasgas ang ganyang acting. Bibigyan kita ng pera. Just go," malamig ang buong-buong boses nito na binitiwan na ang dinadaklot kanina at walang anumang naglakad. The way he walked told her that he was comfortable on his skin with or without clothes. Kinuha ang tuwalya sa ibabaw ng isang upuan at iyon ang ibinalabal sa katawan.
Napasinghap si Selma. Nangislap ang mga mata sa banta ng luha. Samu't saring pakiramdam ang nagrarambulan sa kanyang dibdib. Ngunit higit ang galit na biglang sumakmal sa kanyang huwisyo.The nerve of this man. Siya,umaakting? Ano'ng tingin sa kanya ng impaktong ito,isa siyang gold digger at opurtunista? Isang babaeng walang kiyemeng isugal ang pagkatao para makasilo ng yayamaning lalake? Ganoon kababa ang tingin ng walanghiyang ito sa kanya gayong hindi niya naman kilala? At higit sa lahat,hindi siya nito kilala.
Bigla niyang nahaklit ang isang unan at ibinato rito. Dahil hindi naantisipasyon ng lalake ang maging kilos niya, tinamaan ito sa ulo. That deepened his scowl. "Wala akong pakialam sa pera mo. Isaksak mo iyan sa kukote mo!" May nginig ang boses niya. "You dont know me,wala kang karapatang basta ako husgahan. Im not that cheap. What happened now is a pure,honest mistake! At kung nananaginip lang ako,nais ko nang magising. Dahil bangungot ito. Bangungot. Naintindihan mo?!" Doon na siya bumigay. Napaiyak na siya. "Oh my God. Hindi ko ito ginustong mangyari. Akala ko ikaw si Zander..." Naitakip niya sa mukha ang dalawang palad. Ano na ang gagawin niya?
Napakurap nang makailang ulit si Stanley. Natigatig siya. Is the woman for real? Inosente ba ito sa inaakusa niya gaya ng kine-claim nito?
Pero sa samu't saring emosyon na malayang nakabadha sa mukha nito bago nagtakip ng mukha,mahirap iyong pekein. But being wary,he still cautiously eyed the woman with reservation.
Huminga siya nang malalim. "What's your name?"
"Don't ask," Selma hissed. Pinilit na apulahin ang paglalaglagan ng luha sa kanyang pisngi. "Kung maaari,iwan mo muna ako. Magbibihis lang ako."
Stanley stood up with a sigh. The way the woman's shoulder sagged,waring pasan ang buong bigat ng mundo. Dama niya bigla sa kanyang kalooban na gusto niya itong aluin. At protektahan kung kailangan. At i-assure na walang makakapanakit dito as long as he was around. But no. Baka kung saan pa iyon hahantong.
"If its a consolation,hindi ko rin inaasahan ito. Akala ko ikaw si Cielo." Narinig na lang niya ang sariling tinig.
Ibinaling ni Selma sa iba ang kanyang tingin. Gusto niyang kutusan ang sarili sa wala sa lugar na reaksyon ng kanyang katawan nang minsan pang mapasadahan sa sulok ng kanyang mga mata ang kahubdan ng lalaki. Damn it. Dapat ay nagwawala na siya. Hindi niya inaasahan ang ganitong pangyayari. She got in thinking it was his boyfriend's room and the man was Zander along with all those extra scoop of muscles and all. But all along,ibang lalake ang nasa harapan niya.
"J-just go. Hindi mo na kailangang magpaliwanag." Her voice broke again. The shocked of discovering that she was in bed with a perfect stranger was slowly sinking. But she knew,kapag naging full force na yon,she might be histerical later. Ayaw na niyang bigyan pa ng dagdag na kahihiyan ang sarili sa harap ng lalakeng ito.
Mabuway ang sarili na tumayo na siya. Hinigit ang bedsheet para matakpan nang buo ang sariling kahubdan at tila hilong talilong na tinudla ang travelling bag niya. Hinila iyon at dinala sa loob ng maluwang na banyo. Ini-lock niya iyon bago binitiwan ang bedsheet at diring-diri sa sarili na kaagad binuksan ang shower. Full blast. Malamig. Kinuskos ang sarili na waring kapag ginawa niya iyon ay kasamang matatangay ng tubig pahantong sa drainer ang namagitan sa kanila ng lalake. And she might have the chance of getting out of the shower,all clean and guilt free. Pero halos mapudpod na ang sabon at nagsisimula na siyang mangaligkig pero hindi iyon nangyari. Sumidhi lalo ang guilt feelings niya kasabay ng unti-unti na namang pag-ahon ng panic sa dibdib niya.
Si Zander...oh my God. Baka hinahanap na siya. Baka matuklasan nitong sa ibang kandungan siya nauwi and done the deed without reservation. She have to get out fast.
Sukat sa naisip,tila siya ipo-ipong kumilos. A little later,lumabas na siya ng banyo nang nakabihis na. She heaved a sigh of relief nang makitang wala na nga ang lalake doon. Agad niyang pinagdadampot ang mga pinagbihisan. Napatanga pa siya sandali nang sa pagbaling niya,nakita niya ang briefs ng lalake na katabi ng bra niya sa gilid ng kama. Agad na nag-init ang kanyang pisngi. Dinampot niya ang kanyang bra saka sinipa ang briefs. Kumawit iyon sa dulo ng hinlalaki ng paa niya bago iyon guwewang sa ere at naglanding sa nakabukas pang travelling bag niya. She cringed.
Akmang lalapitan na sana niya iyon para alisin nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at iluwa iyon ng lalakeng hubad pa rin. Tuwalya lang ang nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan. Pakiramdam ni Selma ay para siyang pilandok na na-trap sa maliwanag na headlights ng isang kotse. Napapasinghap siya. Waring kinulang ang oksineho doon at napunta sa lalake. His presence was too much to bear. But damn it,she just can't ignore him. The way he looked there standing in the doorway as if he just stepped out of the shower himself,he looked so sexy and hot as hell. And she knew beyond that towel was...
Stop it! Parang gusto na nga niyang sampalin ang sarili. Hindi niya iyon dapat isipin pa. Kailangan na niyang makaalis.
May pagmamadali ang kilos na basta na lang niya isinaksak ang mga pinagbihisan sa travelling bag at kagyat na isinara.
Walang sali-salita na hiniklat na iyon patayo.
"Are you Selma Paguirigan?"
Para siyang nakadinig na bingi na biglang napaangat ang tingin niya rito.
"Y-you know me...?" Tila siya mabibilaukan.
Sinalubong nito nang walang alinlangan ang tingin niya.
"Your boyfriend was looking everywhere for you."
Shit!
----------❤❤❤-----------
Sundan ang magiging karugtong...