"S-STANLEY..." minsan pa ay tila wala sa sariling naianas niya. Parang minamaso sa dibdib ang pakiramdam ni Selma sa biglang kabog nun. Samu't saring emosyon ang nagpapaligsahan doon. She felt surreal. Parang nanaginip siya sukat para tila slow motion maging ang pagtatama ng tingin nila ni Stanley. Hindi siya nakakilos. Parang nag-ugat ang mga paa niya sa kinatatayuan. Hindi na rin niya napansing nabitiwan na naman niya ang mga pinulot na laruan ng anak. Buong atensiyon niya ay nakapukos sa kanyang nasa harapan. Natutop bigla ni Tita Rowena ang bibig. Nanlalaki ang mga mata na kaagad napahawak sa nakatatandang kapatid. Nang makahuma,halos hablutin si Shelby rito at patakbong inilayo ang bata. Naiwang nagtataka at natitigilan bigla si Tita Lauren sa inasta ng kapatid. Pero nang malingun

