"Iha,nandito si Zander. Lumabas ka muna diyan,'uy," imporma ni Tita Rowena sa gitna ng kanyang pagpipinta. Pero hindi ito pumasok. Palibhasa alam nitong kapag ganoong nakapinid ang pinto,ayaw niyang may umiistorbo o kaya'y off limits ang kahit sino na pumasok doon. Hindi niya iyon pinansin. Ngunit may galit na kaagad na namang sumagpang sa damdamin niya sukat na dumiin ang pag-stroke niya sa hawak na paintbrush. "Iha--" "Tell him to back off, Tita. At huwag na huwag na siyang babalik kamo," matigas na saad niya. Saka siya natigilan sa biglang naisip. Napatayo tuloy siya kasabay ng paglalapag sa gamit niya. Nagulat tuloy si Tita Rowena nang walang babalang buksan niya ang pinto at tuloy-tuloy na nilagpasan niya ito. Pagdating sa salas,nagulat din na napatayo bigla si Zander nang makit

