"Wow." Napasinghap pang reaksiyon ni Stanley nang makita ang unang painting na nasa sariling easel. Kaagad niyang nagustuhan. Dahil ang nakalarawan doon ay ang paborito niyang tanawin sa tinuluyang hotel noon sa Pagudpud. Na-capture ni Selma ang damdaming nakapaloob sa naturang pagtatanghal ng kalikasan. Inilapag ang puswelo ng kape at lumapit pang lalo sa painting. Naglakbay ang daliri sa silahis ng papagising na araw. "This is surreal. Ang ganda. Magkano?" Tahimik na umiling si Selma. "Hindi mo na kailangang bayaran. Kung gusto mo,sa iyo na. I was able to paint that with you in mind." "Oh,Selma." Iglap,nayakap na naman siya ni Stanley. Sa pagkabigla niya,muntik na niyang mabitiwan ang hawak na tasa ng kape kung hindi niya iyon naiilag. "Can I kiss you? Damn it,I've been dying to kiss

