Sia's
Agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa nasabing adress.
Mabilis lang ang naging byahe dahil hindi naman traffic sa dinaanan namin.
Pag punta roon ay dali-dali akong bumaba at nagtago sa malaking yero. Ano naman kayang naisipan ng kumidnap at dito niya dinala si Draven?
May utang pa sa akin ang gunggong na'yon. Kung hindi dahil sa akin malamang pinag iinitan na yan ng Prof namin sa Biology. Tss.
Maya-maya ay may naguusap na. Inilapit ko ang tainga ko at pinakinggan.
"Adik ata si master, pre. Matapos kidnapin ang lalaki na'yun, tutulungan rin pala." iritadong sabi ng isa.
"Sino ba ang naghatid sa lalaking 'yon?" tanong naman ng isa.
"Sila Roberto. Kabanas, nahirapan lang tayo," iritado pa rin sabi ng isa.
So..
Wala na pala rito si Draven? At tska sino naman kaya yung master na tinutukoy nila? Medyo malakas na yata ang tama noon.
Ayon sa kwento nila, eh, ang master daw na iyon ang kumidnap kay Draven at tinulungan din ito makatakas?
Takas rin ba sa mental ang isang 'yon? Labo niya, ah.
Tumayo ako sa pagkakatago sa malaking yero at humarap sa dalawang naguusap. Bakit nga pala ang nagtatago?
Nakita ko ang gulat sa mga mata nila at tinutukan ako ng baril.
Kalmado kong sinalubong ang mga tingin nila at ngumisi. "Paano niyo ako mababaril kung peke 'yan?"
Napa atras sila bigla sa sinabi ko. "Paano mo nalaman?" kinabahang tanong nila.
Simple lang. Alam kong kumilatis ng totoo sa peke. Katulad nalang ng baril nila. Napadaling mapansin na peke lang ito.
"Sino yung master na tinutukoy niyo?" tanong ko pa.
Gusto kong makilala ang baliw na'yon.
Nagawa pa nilang magbulungan at saka umayos ng tindig bago humarap sa akin. "At bakit naman sasabihin sa'yo? Sino ka ba?"
Parang kanina lang ay takot ang dalawang bubwit na 'to. Ano 'yan, fake acting? Tsk.
"Sino ako? Ako lang naman ang papatay sa inyo kapag hindi niyo sinabi kung sino ang may pakana ng lahat ng ito," mariin kong sabi.
Umiling sila at halatang takot na talaga, "H-hindi rin namin alam! Maniwala ka," halos maiiyak ng sabi nila.
Nakumbinsi naman ako dahil baka biktima lang rin sila ng may pakana nito na tinatawag nilang master.
"Bibigyan ko kayo ng pagkakataong tumakbo. Kapag naabutan ko pa kayo, bubulagta nalang kayo diyan sa malamig na sahig," mariin kong sabi.
Agad silang tumango at nagsitakbo na.
Nag book ako ng taxi. Nakaka dismaya buong akala ko ay magkaka thrill na at mapapasabak na ako. Akala ko lang pala, tss. Nag ubos lang ako ng enerhiya, eh.
Medyo nagtagal ang pag byahe pabalik sa bahay. Naabutan na kasi kami ng traffic. Buti nalang at hindi ako masyadong ginabi.
Hindi agad ako nakatulog dahil sa pesteng master na tinutukoy nila. Bakit gustong gusto kong malaman kung sino 'yon? Iba kasi ang kutob ko, eh. Para bang may nag uudyok sa akin na alamin ko kung sino iyon.
Pumasok ang ng maaga para sa school nalang ituloy ang pag tulog. Ayoko makaligtaan ang quiz namin. Duon na nga lang ako bumabawi para ma-maintain ko ang matataas na grades ko, eh.
Pag dating ko sa room, agad akong sumuot sa ilalim ng desk namin nila Flynn at umupo roon. Dinukdok ko ang ulo ko saka natulog ng tahimik.
"Flynn, ilang oras na akong tulog?" tanong ko kay Flynn at umalis sa ilalim ng mesa bago tuluyang umupo.
Nakarinig kami ng malakas na kalabog. Napatingin ako sa gawi ni Flynn at nakita si Draven na nahulog.
Akalain mo, buhay pa pala ang isang 'to.
Ng makita niya ako ay umiwas agad siya ng tingin at balisang umupo sa tabi ni Flynn.
Hindi ko nalang din pinansin iyon at antok na nakapangalungbaba. Nakaka bwisit naman kasi iyang master na tinutukoy nila!
Sana vacant nalang ang susunod para sa makabawi ako ng tulog.
Para akong zombie habang tinatahak ang daan papunta sa rooftop. Mag d-ditch nalang ako. Tutal tapos naman na ang quiz namin.
Nag inat pa ako bago tuluyang pumasok sa rooftop. Agad na hinangin ang maninipis kong buhok habang papalapit ako sa paborito kong spot.
Umupo ako at dumukdok roon ng kumportable.
Hindi pa man nakakaisang oras ay mag dumaldal na namang demonyo sa tabi ko.
"Bakit Sia? Paano mo nagawa sa akin 'yon?"
Ano bang ginawa ko sa kanya? At bakit para galit ang tono ng pananalita niya?!
"Alam kong gising ka, harapin mo ako," malamig na sabi niya.
Agad akong nag angat ng tingin at sinalubong ang mga titig niya.
Teka...
Nasasaktan ba siya?
Hindi.
"Anong ginawa ko sa'yo?" tanong ko at saka inikot ang mga mata.
"Alam kong alam mo ang tinutukoy ko, Sia," malamig pa rin niyang sabi.
The f**k?!
Pinagbibintangan niya ba ako dahil sa pag kidnap sa kanya? Abay puta.
"Ano bang ginawa ko sa'yo Sia? Oo, hindi naging maganda ang unang pagkikita natin. Pero bakit ganito? Bakit kailangang... kidnapin mo pa ako? Kailangan mo ba ng pera? Mayaman naman kayo 'diba?" nagagalit na sabi niya.
So, tama nga ako.
Pinag bibintangan niya ako.
Ngumisi ako at tumingin sa malayo. Unang beses na may gumanito sa akin. At hindi ko pa lubusang kilala ang gumawa sa akin.
"Wow. Sige, sabihin nating ako nga. Nasaan ang ebidensiya mo? Putangina mo rin eh 'no? Bintang ka ng bintang ng walang kasiguraduhan. Dapat nga magpasalamat kapa sa akin dahil ipinasa ko pa sa Prof natin 'yung gawa mo, tangina ka." tuloy tuloy na sabi ko at saka tumalikod.
Bago ako tuluyang lumabas ng rooftop, "Sana naamn alamin mo muna bago ka mag bintang," sabi ko at lumabas ng rooftop.