Araw ng linggo at nag simula na ako magluto ng pananghalian namin. Lahat kami ay nasa bahay ako at si tatay ang kasama ko sa kusa na nagluluto.
"Anak kamusta pala ang pagmomodel mo?" Tanong ni Tatay sa akin habang sinasalin ang sinigang na baboy na niluto ko. Ako naman ay nag reready na ng plato.
"Ok na ok po Tatay, kumikita ako sa pagmomodel ko, alam mo ba tay marami na nakakakilala sa akin eh sabi ng manager ko na si sir Anthon ay makikilala paraw ako pagdating ng araw." Tuwang tuwa na balita ko rito.
"Wow anak napaka galing mo talaga at proud na proud ako sayo" Sabi nito sa akin nilapag na nito ang kaserola sa kalan matapos masalin sa bowl ang sinigang.
"Tay, balak ko sana ipunin yung pera na kinikita ko sa pag momodel ko" Sabi ko rito.
"Oh edi ipunin mo, eh teka? para san ba yang pagiipon mo? Dapat ay maroon ka plano kase pag nag ipon ka lang ay may kasabihan na sa sakit lang daw yan mapupunta" Sabi nito at natawa naman ako sa mga pamahiin ni Tatay.
"Tatay naman, syempre iipunin ko ang kinikita ko para sainyo tay" Sabi ko rito.
"A-ano? Para sakin? Bakit naman anak?"
"Eh kase tay, gusto kitang bilhan ng bahay" Sabi ko rito. "Gusto ko kase makabukod tayo, matagal narin kase tayo nandito kila Ma'am Carla. Gusto ko naman maranasan na magkaroon tayo ng sariling atin" Sabi ko rito.
Kitang kita ko ang malawak na ngiti sa tatay ko na nakatitig sa akin.
"Dibali anak, tutulungan kita na mag ipon para sa bahay na pangarap mo, yung kinikita ko kay maam carla mo ay magtitira ako para makatulong din ako sayo" Sabi nito sa akin.
"Tatay pag nakagraduate na ako, magtatrabaho ako fulltime model at magtatayo tayo ng negosyo tapos ikaw tay.." Sabi ko rito at lumapit at niyakap ko ito mula sa likod niya. "Magiging donyo ka nalang tay at hindi na kita hahayaang magtatrabaho pa" Sabi ko rito at humarap ito sa akin at ginantihan ang pagyakap ko.
"Napakasarap naman pakinggan yan anak." Sabi nito matapos ako yakapin. "Salamat at meron akong maganda at mabuting anak na nagmana sa nanay niya" Sabi nito at napangiti naman ako sa sinabi nito. "Proud na proud sayo ang mama mo sa heaven kase napakatalino, mabait at maganda ang anak niya" dugtong pa nito lalo ako kinilig sa sinabi nito halos mapaluha na ako sa saya.
"Ehem!" Pareho kami kumawala agad sa pagkakayap ng marinig namin ang pagsinghap ni Maam Carla.
"Ay ma'am carla ready na po ang pagkain" Sabi ni Tatay rito. Ngumiti naman si ma'am carla sa amin.
"Mukhang nag babonding ang mag ama ah?" Sabi nito at pareho kaming masayang nagkatinginan ni Tatay.
"Oh iha, paki tawag mo na si Carlo sa kwarto niya" Sabi ni Tatay.
"Ah sige po Tay" Sabi ko at tumingin ako kay Ma'am Carla. "Tawagin ko lang po si Carlo" Paalam ko kay maam carla at tumango naman ito.
Umakyat na ako sa second floor ng bahay kung saan naroon ang kwarto ni Carlo. Kinatok ko ito matapos ko makarating sa pinto ng kwarto nito.
"C-carlo?" Tawag ko pa rito matapos kumatok.
Mabilis din bumukas ang pinto at lumuwa si Carlo mula dito. Naka tshirt ito at naka lagpas tuhod ang short na pambahay lang.
"Hi babe" Nakangiting sabi nito. Namula naman ako sa narinig ko mula sa kanya. Mag iisang buwan narin kami may lihim na relasyon. Pero madalas kami busy dahil sa school at trabaho ko as Part time Freelancer model kaya kumakain lang kami sa labas at umuuwi rin agad.
Wala pa naman nakakapansin na may relasyon kami dahil parang wala naman nagbago samin ni Carlo hindi siya nagpapahalata at never siya gumawa ng move bilang isang boyfriend ko. Kumakain lang kami sa labas at never nga kami nag holding hands or kahit yung pangarap ko kiss ay wala din. Basta parang wala lang, pero syempre siguro ay dahil nagiingat siya at malaki ang respeto niya sa akin at kay tatay.
Hinila ako nito papasok sa kwarto niya. Labis ang pagkabigla ko sa ginawa nito.
"May nakakalimutan ka ata?" Sabi nito. Tapos ay sinarado ang pinto.
"Nakakalimutan? A-ano ba yun?" Nauutal na tanong ko. Ano yung nakalimutan ko? "Ah-- Oo pala kakain na! yun yung sasabihin ko sayo!" Sabi ko rito.
Natawa naman ito. "Hindi yon!" Sabi nito.
"Ahm a-ano bayun?" Tanong ko rito. Lumapit ito sa akin at napaatras naman ako dahil hindi ito tumigil sa paglapit sa akin at naramdaman ko nalang ang hangganan ko ng madikit ang likod ko sa pinto kinabahan pa ako dahil lumapit parin ni Carlo sa akin.
"First Monthsary natin ngayon! Did you forget?" Napaawang ang aking labi sa sinabi nito.
"First m-monthsary?" Pag uulit ko pa sa sinabi nito. Natawa ito.
"Hindi mo ba alam yon? We need to celebrate for the first month of our relationship and they called it Monthsary" Napanganga naman ako sa sinabi nito.
"Ah pasensya kana" Nahihiyang sabi ko rito.
"Invite sana kita mamaya"
"H-ha? Saan?" Nauutal na tanong ko.
"Mamaya sabihin ko sayo, 7pm aalis tayo" Sabi nito. Pagkatapos ay nilihis nito ang buhok na nasa balikat ko. Sobrang lapit nito sa akin napatingala pa ako upang tignan ang mukha niya na malapit sa akin. Naramdaman ko ang pagbuga ng napakabango na hininga nito.
"M-Misty" Mahinang sambit nito sa pangalan ko. Nanatili parin ako nakatingin sa kanya tila magnet na ayaw kumawala ng aking mga mata sa kaniyang mukha.
"B-bakit?" Mahinang tanong ko rin dito dahil malapit lang naman ito sa akin. Inikot nito ang mga paningin sa buong mukha ko at napatingin din ito sa aking leeg at sa aking dibdib. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil naka sleeve less na black ako na lalong nagpapaangat sa aking kulay at alam ko nakikita niya ang kaunting nakalitaw na cleavage ko.
"W-wala lang" Sabi nito sabay layo sa akin. "Let's go" Sabi nito at sabay na kaming bumaba ng hagdan para pumunta sa dining table.
Malapit na kami sa Dinning table ng bigla ako hilahin ni Carlo palayo at sinandal sa pader.
"B-bakit Carlo?" Gulat na sabi ko.
"I miss you" sabi nito. "Ilang araw din tayo di nag usap right?" Sabi nito. Nilapit nito ang mukha niya sa akin.
"C-Carlo baka makita nila tayo" nag aalalang sabi ko rito.
Pero hindi nito narinig ang sinabi ko sahalip ay ginawaran ako ng halik sa labi. Dahan dahan gumalaw ang labi nito sa labi ko at napapikit nalamang ako sa sarap ng paghagod ng labi nito.
Mabilis ding nilayo ni Carlo ang labi niya sa akin habang ako ay nakapikit pa dinadama ang labi niya na malayo na.
Dahan dahan kong minulat ang mata ko at mapungay ako tumitig sa kanya na naka titig lang sa akin. Ito ang unang halik namin dalawa bilang magkasintahan.
"Misty are you willing to give your everything to me?" Sabi nito at labis naman ako kinabahan sa tanong nito.
Ano ba ang ibig nyang sabihin doon.
"Misty? Carlo?!" Tawag ni Maam Carla sa amin. Pareho kaming nataranta at muli na kami naglakad sa papunta sa hapagkainan.