Misty POV Hinihintay ko ang pagbabalik ni Carlo dahil hindi pa ito umuuwi simula nung linggo na umalis siya sa bahay. Tatlong araw narin itong walang uwi tinetext ko rin siya pero wala itong reply. Sobrang nag aalala ako sa nanyayari dito kahit naman kase ayaw niya sakin ay umuuwi parin siya sa bahay. Ang sabi ni Mama Carla ay pumapasok naman ito sa opisina pero hindu lang daw talaga umuuwi. Napabuntong hininga nalang ako at kahit walang kasiguraduhan itong uuwi ay naghihintay parin ako sa sala at inaabangan bumukas ang pinto. Maya-maya lamang ay narinig ko na ang malakas na kabog ng pinto dahilan para mapatayo ako kahit na nakaidlip na ako kakahintay. Mabilis ko chineck ang orasan at pasado alas diyes na ng gabi. Pag bukas ng pinto ay mabilis ko sinalubong si Carlo kinuha ko ang Coa

