MISTY POV Nagpaalam na ako kay Mama Carla sa labas ng gate doon niya ako pinuntahan matapos namin mag usap ni Carlo. Hindi ko narin nakita pa si Carlo matapos ko ito talikuran. "Mag iingat ka doon ha? Wag mo pabayaan ang sarili mo" Sabi nito. "Kayo rin mama kumain kayo ni Carlo sa tamang oras ha?" Paalala ko rito. Niyakap pa ako nito sa huling pagkakataon. "Wag ka mahihiyang humingi ng tulong sa kin kapag may kailangan ka?" Sabi nito at tumango naman ako bilang pagsang ayon. Sumakay na ako sa Taxi na naghihintay na sa akin sa tapat ng gate. Nakita ko pang nag wave ang kamay ni Mama Carla sa akin at ganon rin ang ginawa ko bilang pagpaalam. Muli ko sinilayan ang buong bahay na kinagisnan ko tapos ay tuluyan na lumayo ang taxi na sakay ko. Dumiretso na ang taxi sa address na ibinigay

