Chapter 3 | Part 2

1711 Words
“Your prejudices might be wrong,” ani ng isang lalaki na kanina pa tingin nang tingin sa ‘kin. Kahit nakatalikod ako at nagbibigay ng pagkain sa mga bisita, kanina ko pa napapansin ang pagtingin niya sa ‘kin. Nang lumingon naman ako ay umiwas siya. ‘Di ko rin siya masisi kung titignan niya ako ng ganito ang hitsura ng pang-araw-araw kong damit. “Stop judging him, can you? Looking at him, he kind of have looks, though. He was just not dressed up or something. He’s not as rich as us, guys, so I hope you could be mindful of your words.” Bakit niya ako pinagtatanggol? “Tama si Ali,” sagot ni Evan at tinapik sa balikat ‘yong lalaki. “Mabait ‘yan si Simon, kaya ‘yan talaga ‘yong tinuring kong kapatid dito sa baryo naming, so I hope I can stop hearing your discrimination toward him just because he’s poorer than you two. Huwag kayo, he’s half-Japanese. He looks like that because he was the breadwinner of their family. Halos hindi na ‘yan nagpapahinga para lang may pagkain sila sa araw-araw. Before you judge someone, make sure to know him or her first, kasi malay natin na ‘yong first impression natin sa kanila is a total different of what they are really.” Tumawa lang ang dalawang lalaki bago itinaas ang mga kamay nila na tila inaaresto sila sa kung anong kasalanang ginawa nila. “Okay, noted, mga boss,” ani ng isang lalaki bago naglakad palabas, akbay-akbay ang isa pang lalaki. Tinignan ko lang sila, mukha silang mga brat na anak ng mayayamang businessmen sa Maynila. Kung hindi nila ako gusto, hindi ko rin naman sila gusto. Umalis ‘yong dalawang lalaki kaya naiwan sa loob ng bahay sina Evan at ‘yong isang lalaki na pinagtanggol ako sa dalawa nilang kaibigan. Nagpatuloy lang ako sa pagbibigay ng pagkain sa mga taong bumibisita sa burol ng tatang ni Evan, samantalang nakaupo lang sina Evan at ‘yong kaibigan niya. Alam ko ring kanina pa ako tinititigan no’ng lalaking katabi niya. Ano kaya ang tinitignan niya sa ‘kin? Humalili sa pagsisilbi sa mga bisita ang nanay ni Evan na si Tita Flor, at pinagpahinga muna ako. Naisipan kong lumabas muna para magpalamig, pero hindi ko inaasahang sobrang lamig pala. Kiniskis ko na lamang ang dalawa kong palad at idinikit sa pisngi ko. Papalapit na ba ang pasko at sobrang lamig na dito sa ‘min? “Jacket, you want?” Nangibabaw ang tanong ng isang lalaki sa may kanan ko. Nilingon ko siya at nakitang ‘yong lalaking nagbigay sa ‘kin ng panyo ‘yong nag-alok sa ‘kin ng jacket niya. Hindi niya na hinintay ang sagot ko at kaagad na inilagay sa likod ko ang makapal niyang jacket. “You seem cold while staring the blank sky. Baka sipunin ka.” Bakit siya nag-aalala sa ‘kin? “Salamat,” sagot ko. Hindi siya sumagot at kaagad na umupo sa putol na puno, ilang pulgada lang ang layo sa ‘kin. Hindi ko naman siya kilala pero bakit ang bait niya sa ‘kin? Nang makaupo siya ay kaagad siyang nagsindi ng yosi na ikinaalarma ko. “Uhm…” Hindi pa man ako tapos ay kaagad niyang inalagay sa sahig ang yosi at tinapakan hanggang mawalan ng sindi. “Sorry, may hika ka ba?” tanong niya. Marahan lang akong tumango sa kaniya. Hindi rin siya nag-alangan na pundihin ang sindi ng yosi niya at tinanong kung may hika ba ako o ano. “About what my two friends told kanina… I’m sure you hear it, though. I am sorry in behalf of them. Mayabang talaga ‘yong dalawa, because they never experienced being poorer. Ako na ang hihingi ng pasensiya for them.” “Ayos lang,” sagot ko sa mahinang boses. Nakita ko siyang tumango-tango ng dalawang beses. Masasabi kong ibang-iba siya do’n sa dalawa niyang kaibigang matapobre. “Sanay na akong makarinig ng mga ganiyan galing sa mga mayayaman. Hindi mo naman kailangang humingi ng pasensiya kung ganiyan ang tingin nila sa ‘min.” “Still, I’m sorry on behalf of them,” sagot niya. Siya lang ata at si Evan ang matino sa kanilang magbabarkada. Ang tanging tanong ko lang ay kung gusto niya ba akong maging kaibigan kaya siya mabait sa ‘kin o naaawa siya? Kasi kung naaawa siya, wala akong oras para intindihin siya. Ayaw ko sa lahat ang kinaaawaan ako. “Even though you are fund of hearing those words, feel ko hindi ninyo pa rin deserve na makarinig ng mga gano’ng mga sinasabi ng mga tao. It must have hurt you a little inside you, and you are just denying that fact.” Tama naman siya. Kapag sinasabi ‘yon ng mga tao, nasasaktan pa rin ako pero natuto na lang rin ako na huwag silang intindihin. “Okay lang,” sagot ko sa kaniya. Hindi ako masiyadong komportable makipag-usap sa mga taong hindi ko kakilala, pero hindi naman ibig sabihin no’n ay ayaw kong makipagkaibigan. “Nasabi na ata sa ‘yo ni Evan kung ano ang pangalan ko pero hayaan mo akong magpakilala ng mas maayos. Ako si Simon, kaibigan rin ni Evan.” Ibinigay ko ang kamay ko sa kaniya at nakita ko sa kaniya na medyo nagdalawang-isip siya na tanggapin ang kamay ko pero tinanggap niya naman pagkatapos. Halos mahaba-haba ring minuto ‘yong pakikipagkamay naming nang baliin niya ‘yon. “I’m Ali,” sagot niya. Alam ko na ang pangalan niya bago niya pa sabihin ‘yon dahil narinig ko na sa bibig ni Evan ang pangalan niya, pero mas mabuti pa rin naman na nagpakilala kami ng mas pormal. “Simon… do you mind me asking you a question?” Tumango ako. Ano naman kaya ang gusto niyang itanong sa ‘kin? “Sige lang…” “Do you, by any chance, have someone you are in a relationship with by the time being?” tanong niya. Nag-loading ako bigla sa naging tanong niya, bakit naman kaya siya biglang naging interesado sa buhay pag-ibig ko? “If you do not mind answering my question…” Nginitian ko lang siya bago ko iniling ang ulo ko. “Wala akong jowa ngayon… Focused sa pagtatrabaho…” “What’s your job?” tanong niya ulit sa ‘kin. Bakit parang interesadong-interesado siya sa ‘kin? “Do you have any stable job nowadays?” “Pa-raket-raket lang,” sagot ko sa kaniya. Hindi ko nga alam kung naiintindihan niya ba ang mga pinagsasasabi ko sa kaniya pero kaagad niya naming sinasagot kaya wala naman atang problema sa pagitan naming kahit magkaibang-magkaiba kami magsalita. “Wala akong stable job, kung ganiyan mo siya tawagin. Kung saan lang mayroong mapagkakakitaan, doon ako…” Tumango-tango lang siya na tila nararamdaman niya ‘yong nararamdaman ko. Pero wala naming masama ro’n. Hindi naman natin kailangan maramdaman ‘yong naramdaman ng ibang tao para magbigay ng simpatiya sa kanila. Kailagan lang nating makaramdam sa kung anong tunay nilang nararamdaman. “Do you want to work…” Naputol ang sinasabi niya nang biglang nagsalita si Evan na hindi ko alam ay kalalabas lang galing sa burol ng tatang. “Nandito pala kayong dalawa, hindi ko kayo makita sa loob kanina, e. Tama pala ang hinala ko na nasa labas lang kayong dalawa,” aniya nang makita kami. Sinulyapan ko si Ali na tila nainis nang hindi niya matapos ang dapat niyang sasabihin nang dumating si Evan. “Nakakaistorbo ba ako sa inyong dalawa? Nagkakakuwentuhan ba kayong dalawa? Buti naman, at least, you know each other better than that embarrassing moment when Ali offered you a handkerchief to wipe your tears while you’re working your job, Simon.” “You’re nagging a lot,” sagot ni Ali at biglang tumayo. Anong nangyari do’n? “Makaalis na nga,” aniya pa bago naglakad paloob sa burol. Natahimik ako. Bakit kaya siya biglang nainis? Naiwan kami ni Evan na gulat lang sa inasta ni Ali. Hindi ko siya masiyadong kilala pero pati si Evan na kaibigan niya, hindi rin ata maintindihan kung bakit biglang nagbago ang timpla ni Ali. “Problema no’n?” tanong niya na hindi ko sinagot. Siguradong si Ali lang ang makakasagot ng tanong niya. Tinignan niya ako. “Hindi ba may trabaho ka bukas?” “Oo nga pala, nakalimutan ko,” sagot ko sa kaniya. Tumayo ako sa harap niya at tinapik ang balikat niya. “Mauna na ako, Evan. Bukas ulit, kapag maaga ang uwi ko, bibisita ako sa pangatlong araw. Mauna na ako.” Paalis n asana ako nang bigla akong pigilan ni Evan sa pamamagitan ng paghawak niya sa braso ko. Tinignan ko siya. “Teka,” aniya bago ako binitiwan. “Hatid na kita sa inyo, Simon. Madilim na rin, baka anong mangyari sa ‘yo.” Ngumiti lang ako. “Hindi na kailangan, may mga poste naman na nakabukas pa diyan, e. Huwag kang mag-aalala, kabisado ko ang lugar natin. Ako pa ba?” “Alam ko naman na kabisado mo ang lugar natin. Native ka dito, e. Gusto lang kitang samahan papunta sa bahay ninyo. Ako ang sumundo sa ‘yo kanina, kaya ako na rin ang hahatid sa ‘yo,” aniya pa. Kulang na lang isipin kong may gusto ‘to sa ‘kin. “At saka, baka hanapin na naman ako ni mama. Kung ano-ano na naming utos gagawin no’n sa ‘kin. Tara na.” Habang naglalakad ay natahimik kami. Tanging ang mga ingay na ginagawa lamang ng kuliglig ang bumabalot sa mapayapang gabi. Ewan ko nga, bakit kaya kami biglang naging awkward nito ni Evan? Tahimik lang naman ‘to kapag lasing, e. Halata naming wala pa siyang tama. Nang makarating kami sa bahay ko ay kaagad kaming binati ng nanay. Mabait na bata ang tingin ng nanay ko sa kaniya kaya tiwala siya kapag si Evan ang naghahatid sa ‘kin papuntang bahay. “Madilim na sa gabi,” ani ko sa kaniya na tumango lang. “Ingat ka,” nginitian niya lang ako bago siya umalis patungo sa bahay kung saan kaming dalawa galing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD