[SIMON] “ANO BANG ginagawa ninyo doon sa loob ng opisina, bakit ang tagal mong lumabas?” Iyon kaagad ang bungad sa ‘kin ni Marie. Hindi pa masiyadong okay ang puwit ko pero bahala na, basta hindi lang nila mapansin kung ano man ang ginawa namin. “Kanina pa kami tumatawag sa telepono ni Sir Ali para papuntahin ka dito, pero walang sagot.” “May ginagawa rin naman ako sa sarili kong trabaho, hindi naman sa lahat ng oras, sa inyo ako tutulong. Tandaan mo na assistant ako ni Sir Ali at hindi ninyo,” sagot ko. Hindi ko lang nagustuhan nang masiyado ang tono ng boses niya kaya napaangat rin ang boses ko. Hindi sa pagmamayabang pero hindi ko naman talaga gawain ang maging assistant nila, kung ‘di ang maging assistant ni Sir Ali. “Bakit ba? Para saan ba? Importante ba?” “Sorry kung nataasan kita

