"Can we talk?" Tumango si Matthew bilang tugon sa tanong ni Summer.Naabutan ito ni Summer sa loob ng kanyang apartment building.Walang kaideya-ideya ang binata kung ano ang sasabihin niya dito.Maayos naman siyang hinarap ng lalaki upang siya ay pagbigyan.Ang isa pang dahilan ay hindi pa rin siya matahimik.Ibig niyang malaman ang nangyari dito at kay Savina,lalo na't umamin na ito na hindi niya tunay na anak si Maki. Paano na kaya ngayon si Maki?Natapos na ba ang pagiging instant daddy niya dito?Nagkamali ba siya sa hinala niyang kayang ayusin ni Matthew ang lahat?Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kapag nakiusap si Matthew sa kanya na kausapin niya si Savina at siya ang magpaliwanag sa babae.Parang hindi niya kayang gawin iyon kahit alam niyang iyon ang pinakatama niyang gawin.

