Isang hakbang lang ang gagawin ni Savina at hindi talaga niya ito uurungan.Kung inaakala ng babaeng ito na hindi niya ito papatulan ay nagkakamali siya.Una sa lahat wala siyang ginagawang masama dito at pangalawa ang maling pagbabanta nito sa kanya na wala namang katotohanan.She just ruined her day!This b***h in front of her! Ang sarap lang sabunutan hanggang sa makalbo at kalmutin ang mukha hanggang mabura ang kilay. "Ang kapal talaga nang mukha mo! Isa ka lang namang katulong !Muchacha! Utusan! Matapang ka pa, ha? Sino kaba sa akala mo?" Nang-aasik namang sagot ni Savina sa kaniya. "Kung makaasta ka? Akala mo na kung sina ka?" Palaban nitong turan. "Stop it Savina!" awat ni Matthew dito.Nakaharang pa rin ito sa kanya. "Don't insult her. You don't even know her," sabi ni Mathew dito.

