Tumapat sa kanyang mismong harapan ang isang Range Rover.Doon huminto ang sasakyang bumubusina sa kanya.Mamayamaya pa ay bumaba ang window shield nito.Nasulyapan niya si Matthew sa loob.
"What the hell do you want from me?" Mataray niyang tanong.She was being pissed off.
"I want you to come with me?" ani Matthew. "I really need your help."
Napabuntonghininga si Summer.Kung ano man ang kalokohang plinaplano ng lalaking ito sa kanya ay iyon ang hindi niya alam. "Ano bang tulong ang kailangan mo sa akin? Hindi free ang pag-tratrabaho ko saiyo. Kailangan ko rin ng pera, okay?" aniya.
"I understand. Babayaran kita this time. I just really need someone to help me look for Maki," anito.Saka sinulyapan si Maki sa likod kung saan nakaupo ito sa may babysit.
"I quit! Wala akong panahong mag-alaga sa anak mo! Mag-hanap ka na lang nang magiging yaya niya sa mga agencies kung gusto mong may mag-alaga sa kanya?" ani Summer. "I don't trust your words!"
"I don't trust maid?" ani Matthew.
"Okay, whatever! Don't waste my time, will you?"
"Please? Maniwala ka naman sa akin? Babayaran kita I swear! Cross my heart." ani Matthew.Tinaas pa ang kamay nito para patunayang nagsasabi nga siya ng totoo.
"Okay. That's not my problem anymore!" Kabit-balikat niyang sagot sa lalaki. "Hindi ko kailangan ang pa-cross heart mo! Hindi ako mapapakain niya'n! Ang kailangan ko pera?" Irap niyang sagot sa lalaki.
Napatango si Matthew.Mayamaya lang ay itinaas na nito ang window shield ng kanyang Range Rover.Napatayo bigla si Summer.She really need a job to pay her bills.Kung hindi niya tatanggapin ang alok ng lalaki ay siguradong kakantyawan na naman siya ng kanyang mga kapatid.Nasa edad niyang iyon ay wala pa siyang na-experience na kahit anong klaseng trabaho.
"s**t!" Mura niya.Agad niyang nilapitan ang sasakyan ni Matthew.Kinatok ang salamin sa may driver sit.Bumuntonghininga muna siya bago siya nito napagbuksan.
"Okay, I'm coming," ani Summer. "Just promise to pay me? Ako ang bahala sa pag-aalaga sa anak mo," ani Summer dito.Tumango naman si Matthew bago siya sumakay sa sasakyan nito at sumama pauwi sa bahay nang lalaki..
Pagdating nila doon ay parang dinaanan ng bagyo ang condo nang lalaki.May mga boxer pa nga ito na nakakalat lang sa sofa.Mga sando,mga ties at mga gamit ni Maki.May diapers pa na hindi naitapon sa dustbin.Ang mga plato na ginamit ay hindi pa nahuhugasan.Napabuntong-hininga siya.Mabuti nalang at tulog si Maki nang nga sandaling iyon.
"I help you clean?" ani Matthew ng makita siya nitong paisa-isa ng pinupulot ang mga damit na nakakalat sa sahig.
"Hindi ka man lang ba naglilinis ng bahay mo? Ang kalat na, ang dumi pa!" ani Summer.
"I know?" ani Matthew.
"Bakit kasi hindi ka mag-hired ng katulong?" ani Summer.
"I told you. I don't trust maid," anito.
"Give me a reason why you don't trust a maid?" ani Summer."Tapos ako na ngayon mo lang nakilala, you trusted me as fast as like that? Tapos sasabihin mo sa akin wala kang tiwala sa katulong? Huwag mo nga akong pinagloloko diyan!"
"I read your resume. You have a good background." Seryosong sabi nito.
"What if that's a lie?" ani Summer.
Napatiim-bagang napatingin si Matthew sa kanya."Will you please, shut up! Just clean," anito.
Hindi naman galit ang boses nito.Saktong matigas lang na walang pinagkaiba sa nagmamando.
Nanahimik na lang siya.Tinulungan niyang maglinis si Matthew.Tinuro niya dito kung paano gamitin ang washing machine.Ewan lang niya kung naiintindihan siya ng lalaki.
Hinugasan rin niya ang mga plato na nasa lababo.Pinunasan ang lamesa at winalis.Sa buong buhay niya ay hindi pa niya ginawa ang lahat nang iyon dahil may katulong naman sila sa bahay.Tapos heto siya ngayon,natanggap sa trabaho bilang muchacha nang lalaking ito.Mayamaya pa ay nagising na si Maki.Narinig niyang umiyak ito.
Binasa niya ang level ng gatas na nasa lata.Gagayahin niya ang instruction doon.Pagkatapos niyang hinugasan ang bagong biling milk bottle nito at baby n****e ay agad tinamplahan niya si Maki ng gatas.Buhat na ito ni Matthew at nasa likuran lang pala niya ang mga ito.Hinihintay pala siyang matapos sa pagtitimpla.
"What that f**k!?" Gulat niyang sita sa mag-ama. "Papatayin niyo ba ako sa nerbiyos? Bakit bigla nalang kayong tatayo diyan ng walang imik?" aniya sa mga ito.
"We are watching you," ani Matthew.
"Watching? Hello!" aniya na pinaikot pa ang eyeballs. "Bakit hindi niyo nalang ako hintayin sa sala? Puwede naman kayong umupo doon, 'di ba? I se-serve ko naman ang dede niya, Sir!" Matigas niyang sabi.
"She's a monster, baby," ani Matthew sa anak.Kinuha ang dede sa kamay niya.Dinala nito si Maki sa crib niya at doon pinahiga.Marunong na itong maghawak ng dede.Sa gutom ay parang wala pang sampung minuto ay na ubos na niya ito.Mukhang kinulang pa dahil umiyak ng tanggalin na ang dede.
"I'll make some more," ani Summer.Nataranta tuloy siya sa hitsura ni Maki. "Kaloka kang bata ka! Kulang pa ang dinede mo? Anong tiyan meron ka?" ani Summer habang nagtitimpla pa siya ng second batch milk nito.Mayamaya pa't naubos muli ni Maki ang tinimpla niyang gatas.At sa wakas ay hindi na ito umiyak.Naglaro na ito.
"Sa tingin ko ay puwede na akong umuwi," ani Summer. "Maayos naman na kayong mag-ama," aniya.
"You can't go home yet," ani Matthew.
"Bakit? Ano pa bang gagawin ko dito?"
"Paliguan mo muna siya," ani Matthew na ang mga mata nito ay nakatingin kay Maki.
Napamura si Summer.Shit life! naisaloob niya.Ngumisi siya ng pilit kay Matthew. "So, where is the bathroom?" aniya kahit alam niyang nasa kitchen naman ang isang cr.
"Over there!" Turo nito.
Tumango-tango siya.
"Uhm! I need a towel and her baby bath soap," aniya sa lalaki.
"Nasa loob na nang cr."
Another sight and trouble for her.
Tinanggalan niya ng damit si Maki. Ang suot nitong pants at diaper.Pati ang medyas nito.Kinurot niya si Maki sa hita na ikinalabi nito.Tila nasaktan ng konti sa ginawa niya.Natatawa siyang makita ang cute expression ng bata. "Lambing ko lang 'yon!" Natatawang sabi niya kay Maki.
Binuhat na niya si Maki at dinala sa cr upang paliguan.
"Oh my God! You're so soft," aniya."
Huwag kang iiyak, ha? I'm just going to shower you para mabango ka. Opo, opo," aniya na siya na rin ang sumagot para kay baby Maki.
Ibinaba niya si Maki sa palangana.Pinaupo niya doon ngunit niliyad nito ang ulo kailangan ng hand support para hindi ito bumaba. "Paano kita papaliguan kung hindi ka uupo?" Reklamo niya.Muli niyang inayos ang pagkaka-upo ni Maki.Ini-on niya ang shower sa warm dahil may water heater naman na nakakabit.Itinapat niya ang host kay Maki at ikinagulat nito.Muntik nang ikatumba mabuti nalang at nahawakan niya ito ng mahigpit.
Binilisan niyang pinaliguan si Maki.Kahit hirap na hirap siya na isang kamay lang ang gamit dahil ang isa niyang kamay ay naka-suport lang dito.Nang niyang matapos mapaliguan si Maki ay kinuha na niya ang towel na nakasabit sa may balikat niya at ibinalot ito kay Maki.Ipinahiga niya si Maki muli sa crib.My baby powder doon.Nilagyan niya ng baby powder si Maki sa likod at harap.Binihisan ng bagong damit at diaper.Pati na rin pajama at medyas.
"Uhm, bango mo na. Fresh na fresh," ani Summer kay Maki.
Hinayaan lang niyang humiga doon si Maki at mag-laro.Hinanap ng mga mata niya kung nasaan na si Matthew.Magpapa-alam na siya sa lalaki.Uuwi na siya dahil pagabi na.Ngunit walang Matthew.Matiyaga siyang naghintay sa sofa.
Mayamaya pa ay bumukas ang pintuan ng master bedroom.
Lumabas doon ang isang Adonis na nagpahinto ng t***k ng puso niya.He was just wearing a boxer and nothing on top.Napanganga si Summer.Bigla ay bunalik siya sa normal when Matthew snapped his fingers on her.
"Putcha naman oh!" Kunwaring galit niyang sita dito upang makaiwas sa kahihiyan. "Mag-damit ka naman! Akala mo naman macho ka?" Pagsisinungaling niya.
Natatawa namang napailing si Matthew. "Kaya pala, hindi ka natulala riyan at napatulo laway?"
"What? Your dreaming!" aniya na inayos ang sarili. "I'm going home!Akin na ang bayad mo sa akin?" Hingi niya sa lalaki.
"You are not done yet with your job? Come back tomorrow!" ani Matthew.Tila nag-uutos na kailangang bumalik siya.
"What the f**k? Lier!? Hindi na ako babalik bukas!" Galit niyang sabi kay Matthew.
"You will!"
"Okay, s**t!" Mura niya sa lalaki.Hinablot ang bag at padabog na binuksan ang pintuan.Badabog din niya itong sinara.Ngunit pagkalabas niya ay tila naramdaman niyang bumigat ang kanyang mga paa at hirap siyang ihakbang ang mga ito.Ilang minuto tuloy siyang parang tangang nakatayo sa may pintuan ng bahay ng lalaki.Hindi niya alam kung uuwi siya o hindi. "Damn! Loser!" aniya sa sarili.
Nagulat siya ng biglang bumukas ang pintuan.Napingisi siya.Nakaramdam siya ng hiya.Ewan niya pero parang naninigas siya ng mga sandaling iyon.
Next....