Cloreen pov's Kakauwi lang namin galing sa pamamasyal. Sinalubong naman kaagad kami ni Donya Esmeralda. Kasama na rin ang mga katulong sa mansyon ay nakangiti na salubong sa amin. Anong meron at ngiting ngiti sila. "Nag enjoy ba kayo?" agad na tanong ni donya Esme. " Cloreen, magkuwento ka naman." nakangiti naman na sabi ni Linda. Ano kaya ang ikukwento ko? Ano ba gusto nila malaman. Alam kong pagod na pagod na si Roxx. Pinagmasdan ko muna siya na umupo sa couch. Laglag ang mga balikat na nakasandal sa sofa. Habang nakalaylay ng mga kamay at nakatingala na nakapikit. Bakit ba sobrang cool niya kapag ganyan ang ginagawa niya. Hindi ko tuloy maiwasan na mapako ang paningin ko sa kanya. "Baka naman matunaw 'yan Cloreen." tukso ni Linda sa akin. Nakatingin din sila kay Roxx. "Pinagod mo

