Chapter 3 Vaseline POV Tamang-tama lang ang pagdating ko sa usapan namin ni Andrea. Sa lakas ng pagpapatakbo ko sa scooter ko ay halos magkanda-buhol-buhol na ang buhok ko. Mas lalo pa tuloy ito kumulot. Ni-park ko lang iyon at isinabit ang helmet ko sa manibela ng scooter ko. Ilang taon na sa akin ang scooter ko, regalo pa sa akin iyon ng mommy ko. Nang matapos ako sa high school. Iyon ang pinaka paborito kong regalo sa akin ni mommy. Simula kasi nang inampon nila ako at kinuha sa kumbento ay hindi nila ako tinuring na ampon lang. Tinuri nila akong tunay na anak. Malayo pa lang ay kumakaway na sa akin si Andrea. Ang ganda talaga ng babaeng 'to. Kaya inggit na inggit ako sa kagandahan nito eh. Sa haba at straight niyang buhok, at sa balingkinitan niya na katawan dagdag pa ang

