Chapter 35 Zonroxx pov's Pagkatapos kong iwan si Cloreen sa loob ng patient room. Tumawag naman si Grandma at kailangan kong magmadali dahil may emergency about sa business. Kailangan ko pa makipag-usap sa may-ari ng lupa na binibili ni Grandma para sa panibagong hotel na ipapagawa niya. At kailangan talaga na ako pa makipag-usap sa matandang babae. Wala din naman akong nagawa. Isa lang ang palaging sagot nito. "Bigyan mo ako ng dahilan para ibenta ko sa inyo ang aking lupa." wika nito, Hindi agad ako nakasagot. Kailangan pa ba ng dahilan para lang pumayag na siya na ebenta ang kanilang lupa. Badtrip! Isang tambay lang ako at ngayon, may Q and A pa para makuha ko ang lupa nila. Kailangan pa ba talaga iyon. Naalala ko tuloy si Cloreen. Kung nandito siguro siya, siguro may sa

