Cloreen pov's Ilang oras na ang nakalipas pero mabuti na lang talaga at hindi pa bumabalik ang mga impakto na kidnapper. Pagkatapos nila akong kidnapin, dapat may libre naman pagkain di ba? Bago nila kami ilibing nang buhay. Sinulyapan ko si Roxx na mahimbing na natutulog sa tabi, gamit lamang ang manipis na tela. Ay loko to ah, nakakatulog pa nang mahimbing samantalang ako halos mamatay na ako kung paano mawala ang kati ng aking tiyan. Halos mabaliw na nga ako kung paano mawala ang kati sa aking tiyan, samantala siya mahimbing na ang tulog. Maya-maya lang ay may narinig akong yapak patungo sa kinaroroonan namin. Binuksan nito ang pinto, pumasok mula doon si kalbo. Infernes, gising pa pala ang kalbo na ito, dapat sa mga oras na ito, tulog na siya para tubuan naman siya kahit papaano

