Harry-15

1534 Words

“Bakit kayo magkasama ng Harry na ‘yon?” may galit na tanong ng kapatid sa kanya. Sumunod pala ito sa kanya nang lumabas siya ng library. Kinausap kasi siya ng mga magulang tungkol kay Harry. Tulad ng tanong ng kapatid kung bakit sila magkasama ni Harry at bakit siya umalis ng bahay na walang pasabi sa mga ito. Naipaliwanag naman niya ng maayos sa mga magulang. Napansin pa nga niyang hindi galit ang Daddy niya nang malamang si Harry ang kasama niya. Tanging ang Mommy lang naman niya at Kuya ang galit. “Kuya, sinagot ko na ‘yan kanina. Nagkita lang kami sa bar,” inis na sagot niya sa kapatid. Nagtuloy siya sa paglalakad palapit sa hagdan nila. Pagod na siya. Masakit na rin ang ulo. Nawala na nga nang tuluyan ang kalasingan niya, kaya sumakit naman ang ulo niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD