Kanina pa siya nakatitig sa magandang babaeng mag isang sumasayaw sa mabagal na tugtugin. Sumasabay ang magandang katawan nito sa musika. May magandang katawan ang babae at makinis na balat. Kahit sa malilim na liwanag, kitang kita niya kung gaano kaganda ang babae. Kilala niya ang magandang babae. Si Ysa De Guzman. Kung bakit narito ito ngayong gabi sa kabila ng nangyari rito kanina, hindi niya maintindihan. Kung sa bagay, sa ganitong uri ng buhay nasanay ito. Sanay ito sa alak at mga parties tulad nito. “Bakit hindi mo pa siya lapitan?” bulong ni Marcus sa kanya. Si Marcus ang kasama niyang nagtungo sa Vince Bar. Ayaw nga niyang sumama kanina sa pinsan dahil marami pa siyang trabahong gagawin. Pero dahil na rin sa pamimilit nito, sumama na rin siya. Si Ma

