Halos kaladkarin pa siya ni Harry papasok sa bahay nang makarating sila. "Bitiwan mo ko! Kaya kong maglakad!" maktol niya. "No! Matigas ang ulo mo! Hindi ka sumusunod!" sagot nito habang hawak-hawak pa rin siya nito sa braso. Paakyat na sila ng hagdan. Wala talaga itong balak pakawalan siya. "Sinabihan na kitang huwag makipagkita kay Marvin ginawa mo pa!" galit na patuloy nito. Hindi na lang siya kumibo pa. Hanggang sa makarating sila sa loob ng silid. Handa naman siya sa ano mang parusang gagawin nito sa kanya. Handang-handa siya. Tinulak siya ni Harry papasok sa silid. Saka nito marahas na hinubad ang suot niyang jacket. Nagulat siya nang una pero nang ma-realize ang balak nitong gawin sa kanya ay hinayaan na lang niya ito. Handa na rin naman niyang ibigay ang sarili rito. Nais na ni

