Napanganga siya nang iwan ni Harry ang katawan niya. Kung kailan halos bigay na bigay na siya. Saka naman huminto si Harry sa ginagawa nito sa pagitan ng kanyang mga hita. Bahagya siyang bumangon. Hindi na nag-abalang takpan ang hubad na katawan. Sinulyapan niya si Harry. Fully clothed pa ito, unlike her na hubo't hubad na. Nakatayo ito sa dulo ng kama. Nakahawak ang isang kamay sa batok nito habang nakatingin sa kanya. "Why?" tanong niya sa medyo hingal pang tinig. Imposible kasing hindi nito nagustuhan ang ginagawa nito sa katawan niya. Nakita at naramdaman niya ang kasiyahan rito sa bawat haplos at halik nito sa kanya. Isama pang siya man ay nadala sa ginagawa nito sa katawan niya. Ngayon lang niya naramdaman ang bagay na iyon. At masasabi niyang nasarapan siya at nag-enjoy. Kung hindi

