Harry-19

1791 Words

Hindi umalis ng bahay si Harry. Sabay pa silang nag-almusal nito sa malawak na komedor. Hindi naman sila nag-uusap nito. Basta ang sabi lang nito darating ang abogado nito at pag-uusapan na nila ang tungkol sa magiging kasunduan nila. Matapos ang awkward na pangyayari kanina sa may swimming pool, nahihiya tuloy niyang tignan ang kasambahay na nakakita sa kanila ni Harry sa may pool area. Kung bakit naman kasi bigla-bigla na lang manghahalik ito sa kanya. Nakakahiya pa tuloy sa kasambahay na nakakitang nasa kandungan siya ni Harry. Matapos nilang mag-almusal nagbihis na siya para maging handa sa pagharap niya sa abogado ni Harry. Nasa harapan siya ng salamin habang sinusuklay ang mahabang buhok. Pumasok sa silid si Harry. Nagkatinginan pa sila nito sa may salamin. Nagtaas lang siya ng kil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD