Harry-21

1828 Words

Gulat na gulat ang isang ginang nang makita siyang kasunod ni Harry. Natuptop pa nito ang mga kamay sa bibig habang titig na titig sa kanya. Kahit naman siguro sino magugulat sa itsura niya. Ikaw ba namang punit ang damit na haharap sa bisita. "Mama," tawag ni Harry sa may edad na babae. Halata ang karangyaan sa pustura ng babae. Kitang-kita sa pananamit at tindig nito ang karangyaan. Bagamat may edad na maganda pa rin ang ginang. "Oh my god, Harry. What did you do to this lady?" may galit na tanong ng ginang kay Harry. Pero sa kanya natutok ang mga mata nito. Pinaglalandas nito ang mga mata sa punit niyang bestida. "Don't worry Ma. She is Ysa De Guzman. The one who killed Ashley," tuloy-tuloy na sagot ni Harry. Marahas pa siyang napalingon rito. "Harry!" saway naman ng Mama nito rito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD