Nagpaalam siya saglit kay Harry para makausap si Marvin. Pumayag naman ito. Sinabing sumunod na lang siya sa restaurant kung saan sila kakain. Pansin niya ang tila pagsusukatan ng tingin ng dalawang lalake, bago lumakad palayo si Harry sa kanila. "Ysa, why you are with him? Of all people kay Harry Leonardo pa! He was Ashley's ex-fiance!" sabi ni Marvin nang makalayo na si Harry sa kanila. Hinila niya si Marvin sa may tabi dahil nakakaistorbo sila sa mga naglalakad. "Marvin wala akong panahon para ipaliwanag lahat sa iyo ngayon. But gaya nga ng sabi ni Harry. Magpapakasal na kami. At bukas na iyon," mabilis na paliwanag niya. "What?" bulalas nito. Napalakas pa ang boses. "Are you insane para magpakasal ka sa lalaking iyon? He almost killed you! He wants you dead!" bulalas pa rin na sabi

