Nang makalapit sa pinto ng restaurant ay pinagbuksan kami ng guard. Agad naman na may lumapit na waiter sa'min. "I have a reservation, Chase Winter." Saad ni Chase at napatango naman ang waiter. "This way sir." Sumunod kami at narating namin ang second floor ng restaurant. May iba ding kumakain dito at doon kami sa dulo dinala ng waiter. Pinaghila ako ni Chase ng upuan at nagpasalamat naman ako ng maupo. Umupo na din siya at pansin kong nakabusangot pa rin ang mukha nito. Kaya ang ginawa ko ay inusog ko ang upuan ko papunta sa kanya. Tumabi ako sa kanya at napakunot noo naman siya habang hawak na ang menu. Nginitian ko lang siya at kumapit sa braso niyang nasa ibabaw ng mesa. Nakibasa din ako sa menu at hinilig ang ulo sa balikat niya. Naramdaman ko itong humalik sa ulo ko kaya napang

