Bumalik ako sa kwarto na walang imik.Natulog akong naguguluhan.Pagkagising sa umaga ay hindi ko pinahalata kay dad ang nararamdaman ko.Nakangiti akong binati siya.Sabay kaming kumain ng agahan at nagk’wentuhan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa nalaman ko kagabi.Matapos kumain ay nagpahatid na ako kay Japoy sa school.Hindi ko na pinapunta pa si Chase at sinabi ko nalang na sa school nalang kami magkita kahit pa nagpumilit siyang , siya ang magsusundo sa’kin. Napapansin kong palinga-linga si Japoy sa side ko.Lalo na ‘pag nakahinto kami ay nakatingin siya sa’kin.Tahimik ako at nakatingin lang sa labas.Siguro ay napansin nito ang katahimikan ko.Kaya hindi na nito natiis na magtanong. “Ayos ka lang ba?You look bothered.” “I’m fine.” Sagot kong hindi siya nililingon.Halata ba a

