6

1792 Words
Mandy POV With my heads up, ay pumasok ako sa room namin. Nahagip agad ng mata ko ang nag-iisang taong nasobrahan ng..arrghhh! Ng hangin sa katawan! Naiinis ako sa kaniya. Masyadong mataas ang confidence niya sa sarili. Hindi ako natutuwa. Masyadong presko. Sarap tapalan ng pink card sa noo. Akala niya ha. Tingnan lang natin ang maging reaksyon niya kapag nadikitan ko siya ng pink card. Lahat ng students dito takot dun. Akala niya! "Miss Aguilar, you're late." Sita ng prof ko. Okay. Third or fourth subject 'to at medyo late nga ako dahil sa kumag na Abellano na 'yan. I rolled my eyes and sat on my chair. Hindi ko na pinansin ang professor since hanggang sita lang naman 'yan. Tumingin ako sa katabi ko na prenteng nakaupo sa upuan niya at nakatingin sa'ken. Nag-poker face ako nang bigla siyang ngumiti sa'ken revealing her white teeth. s**t naman! Itong lalaking 'to, nakakainis na talaga ah! Ang pink card ko madami pa, pero ang pasensya ko, konting konti nalang! Inirapan ko siya at nakinig nalang sa prof. Humanda ka mamaya pag-alis ng prof, James Abellano. You messed up with the devil, huh? Okay. You're dead. "Now class, sino ang makakapagpaliwanag sa inyo nang pagkakaiba ng devil sa angels? Anyone?" Bwisit! Nang-aasar ba 'tong prof namen? History kase ang subject na'to at malay ko ba kung bakit napasok sa lesson ang angels and devil? Nang-aasar ba sila? Tinatamaan kaya ako? Nanlaki ang mata ko nang magtaas ng kamay ang nasa tabi ko. No other than, James Abellano. "Yes, Mr. Abellano?" Tumayo siya. Sumunod ang tingin ko sa kaniya. Bakit kakaibang ngiti ang ipinukol niya sa'ken bago tumingin sa prof sa unahan? Bwisit na'to! "Devils? Sila yung itinuturing nating masasama. Pag sinabing devil, ah okay masama 'yan. Ganyan agad ang sinasabi natin. Well, real talk, masasama talaga sila pero lahat naman ng living things tulad ng tao, hayop o kahit mga devil pa ay marunong magbago." "How can you say that, Mr. Abellano?" Tanong ng prof. Napatitig lang ako kay James habang nagpapaliwanag. He's sincere with what he's saying at seryosong seryoso siya. "Let me tell you a story, once upon a time, I met a devil girl who's, hmm, let's say na napakasama ng ugali. Lagi kaming nag-aaway but then one day, I fell in love with her. Nawala 'yung perception ko na, ay devil, masama 'yan. Para bang natanggap ko na, okay devil siya. So what? Mahal ko eh. And there, nalaman kong mahal na din ako nung devil na 'yon. And you know what's the best thing about it? That devil, turns to an angel. An angel who brings out the best of me." I bit my lower lip after hearing his story. I don't know why I'm affected. Why is it..may something na nag-react sa bandang dibdib ko. Bakit pakiramdam ko ako ang tinutukoy niya? Bakit ganito.. "What a great story, Mr. Abellano. Pero mukhang ikinwento mo lang ang love story mo. Wala namang connect sa question ko." Sabi nang prof kaya nagtawanan ang mga kaklase namin. Napakamot ng ulo si James. Nanatili akong nakatingin sa kaniya. He's not aware dahil biglang namula ang mukha niya sa sinabi ng prof. Sino ka ba talaga, James Abellano? "Okay, class. Ako na ang mag-e-explain ng difference ng devil at angels.." Patuloy ng prof pero hindi ko na siya pinakinggan. Ang buong atensyon ko ay nakay James na. Napalitan ng kalungkutan ang mukha niya which gives me curiousity. Totoo kaya 'yung story na sinabi niya? That he met a devil and he fell in love with her? How come? That's immortal, I think? Gusto kong isipin na gawa gawa niya lang 'yon pero bakit kitang-kita sa mukha niya na affected siya sa ikinuwento niya? Who's that devil he's talking about? Nanlaki ang mata ko nang mapatingin siya sa'ken at nagtama ang mga mata namin. Napalunok ako. Gusto kong iiwas ang tingin ko pero parang may magnet na pumipigil sa'ken. Nakipagtitigan ako sa kaniya. Then a sweet smile curved on his lips. "I miss you." He mouthed. Kahit walang boses ay naintindihan ko iyon. He missed me? Why? Eh, transferee lang siya rito at ngayon lang kami nagkakilala. Naguguluhan na ako. Iba talaga ang dating ng lalaking 'to sa'ken. Parang ginagambala niya ang buong sistema ko. Naglakas ako ng loob na umiwas na ng tingin. Ayoko ng makipagtitigan sa kaniya dahil nakita ko ang sadness sa mga mata niya after saying that "I miss you" Nakita ko sa peripheral vision ko na umayos na ng pagkakaupo si James at sumandal sa upuan niya. Nakatingin lang siya sa unahan samantalang ako, eto naguguluhan sa ikinilos niya. He's jolly and mapang-asar but in instant ay bigla siyang sumeseryoso at nagkakaroon ng sadness sa mga mata niya. What's with him? Seriously. I don't get it. Huminga ako ng malalim saka nag-focus nalang sa sinasabi ng prof. - James POV I don't know kung bakit nai-kwento ko 'yung about sa'men ni Mandy. Syempre siya 'yung tinutukoy kong devil. Siguro nadala lang ako. I really missed her. She's near yet so far. The feeling that I'm longing for her smile, her presence and her love. Damn I want her back. I want her to remember me but I can't do anything. Pagkalabas na pagkalabas ng prof ay kanya kanyang ingay na ang ginawa ng mga kaklase namin. Tch. Nanatili akong nakaupo dito sa upuan ko habang nakatungo ako hanggang sa mapansin ko ang pares ng heels na nasa harap ko. Nag-angat ako ng tingin only to find out na si Mandy ang nakatayo sa harap ko. With her head up high na nakapamewang. I grinned as I looked at her. "Ikaw na lalaki ka.." Panimula niya. "Yes. Lalaki ako." Nang-aasar na sagot ko. Alam kong may balak na naman siyang gawin na ka-demonyitahan. My Mandy. Lalong nainis ang mukha niya. "Don't you know that no one messed up with me?!" Sigaw niya. Umiling ako. "Uh, I don't know?" I asked while smirking. "I'm transferee right? So, isip din." Na-iimagine kong umuusok na ang ilong niya sa inis. Lalo tuloy akong natutuwa. She's still the Mandy I knew. And pagkakaiba lang, hindi niya ako maalala. Hindi ba niya alam na ako ang lalaking nakakapagpakilig sa kaniya? Tch. "You.." Nanggigigil siya. May inilabas siyang.. Okay. Damn it. Nagpipigil lang ako ng tawa. She's holding her pink card. Of course, alam ko 'yan. "What?" I teased. "Whoever messed up with the devil will be dead." She said, head up high. "You deserve this--WHAT THE! Ididikit na sana niya ang pink card niya sa noo ko nang pigilan ko ang kamay niya. I laughed. "Ano 'to? Hahahaha. Pauso mo? Wala kang originality. Napanood ko na'to sa Meteor Garden. Yung red card ng F4? Plagiarism ka!" "What the hell?!" Aniya habang hawak ko pa din ang kamay niya. Napansin kong nasa aming dalawa na ni Mandy ang atensyon ng buong klase. "What?" I smirked. "Ididkit mo ba 'to sa noo ko? Pwede mamaya na? Kakapa-facial ko lang kahapon eh. Sayang naman ang ginastos ko. Ako nalang magdidikit nito sa'ken mamaya 'pag tutulog na ako." Sabi ko saka binitawan ang kamay niya at inagaw ang pink card. "Ano kayang feeling na may ganito habang natutulog? Whoah! Bago 'to! Papauso ko 'to." Nang-aasar na sabi ko. "Asshole!" "Oops. Magkano pa-print mo dito? Pwede natin 'tong pagkakitaan. Benta natin dos tatlo, ano?" Patuloy ko sa pang-aasar. "You're getting into my--" "Your heart? I know that already, my Mandy. I love you too." I smiled at her. I mean it. Namula ang mukha niya at nanlaki ang mata. Hindi siya makapagsalita, bagkus ay nanggagalaiti siya ng galit saka nag-walk-out. Kasunod niyon ang sigawan ng mga kaklase namin. Whoah! I won. Again. - Mandy POV Bwisit! Bwisit na lalaking 'yon! How dare him. Seriously, he's getting into my nerves. Sinira niya ang araw ko. Hindi lang isang beses! Dalawang beses. And..and, damn it! He's unbelievable! Bakit ba hindi siya natatakot sa'ken? Hindi siya nag-aalala sa pwede kong gawin sa kaniya? At 'yung pink card ko?! Letseng lalaki 'yun! Tapos ano.. I love you too.. For Pete's sake! What's going on me?! I should've punch him or kick him after what he did to me then what? Umurong na naman ang dila ko at nabahag na naman ang sungay ko sa kaniya. I felt the blushing of my cheeks. Bakit ba ganito kalakas ang t***k ng puso ko dahil lang sa sinabi niya? That guy is really mysterious! How could he handle my attitude? How?! Can anyone explain it to me? I'm going crazy. I don't know what to think anymore. Gusto kong gantihan siya pero sa tuwing makakaharap ko siya, nawawala ako sa concentration, kusang nawawala ang katarayan at ka-demonyitahan ko sa katawan. Really?! Paano nangyari 'to? Hinihingal na naupo ako sa bleacher dito sa gym. Dito ako nakarating pagkatapos kong mag-walk-out sa room. Ano nalang iisipin nang mga kaklase namin na naka-saksi sa nangyari?! Na may katapat na ako? Na natameme ako sa harap ng isang James Abellano?! That guy, I want to beat him like a douchebag! Damn him! I need to think. Think, twice. No! Thrice! I need to make a plan kung paano ako makakaganti sa lalaking iyon! Hindi na ako papayag na mapa-walk-out niya ako ng ganito like I lose. Hindi maaari. Ang isang Mandy Aguilar ay tumatanggap ng pagkatalo. Kinapa ko ang dibdib ko. Bakit ba ang lakas pa din ng t***k nito? At bakit ba parang tumatak sa isip ko 'yung mukha niya habang sinasabi 'yung..yung.. I love you too.. DAMN! Damn! What about that four words? Bakit ba ako apektado? Nakakainis na ha! Humanda ka talaga, James..makakaganti rin ako sa'yong lalaki ka! Arrrgghhh! Padabog akong tumayo. Uuwi na ako! I don't want to see HIM. Baka 'di ako makapagpigil at kalbuhin siya. Naglakad na ako palabas ng gym nang may humarang sa'ken. "Where do you think you're going?" He's smiling from ear to ear. Pinag-iinit talaga nito ang ulo ko. "Who are you to ask me that? The last time I checked, you're just a trasferee here and you don't know about me. Any single thing. So shut up and don't block the way." Lalo siyang ngumiti. "You're asking me who I am? Really, Mandy? You don't know? Because the last time I checked, you're the woman I love the most." He stared at me. "Until now. Until forever." My heart skipped a beat. Nanikip ang dibdib ko at parang may bumara sa lalamunan ko. Napatitig nalang ako sa kaniya. Wala akong mai-react. What is he talking about. Before I could react, he's now holding my waist and hugged me in instant. "Please remember me. I'm longing for you." He whispered then I froze. And I was like. WHAT WAS THAT?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD