James POV Pinapanood ko si Mama habang namimili ng isusuot niyang dress. May dinner kaming pupuntahan mamayang gabi. Ang sabi ni Mama, ipapakilala niya sa akin ang boyfriend niya. Tch. Ang nanay ko, kung kailan tumanda, saka natutong lumandi. Tch. Hindi na talaga sila nagkabalikan ni Papa. Syempre, mahal na mahal ni Mama si Tita Fiona. Kahit patay na siya, nanatiling loyal si Papa. "Ma, nahihilo na ako. Wala ka pa bang napipili?" Naubos ko na ang magazines dito sa boutique habang inaantay si Mama. Dapat kasi si Ynna ang yayayain niyang mamili ng damit kaso busy si Ynna. Tch. Hindi na nga natuloy ang dinner dapat kagabi---na dapat ipapakilala ko na ulit si Mandy kay Mama. Pero na-cancel kasi may dinner nga daw ngayon tapos may jetlag si Mama. Nong tinawagan ko kagabi si Mandy, parang a

