2

2113 Words
James POV “Bro, okay lang naman na ako nalang. Kaya ko na.” Makulit si Bro. Sinamahan pa ako dito sa SWU para mag-enroll. Di na ako bata. Tch. Katwiran niya, para mas mabilis ang process since may connection siya. Graduate na si Bro dito at nagte-train na siya sa company. “Tch. Nandito na tayo.” Sabi niya. Pagpasok palang namin sa main gate ay nag-tilian na ang mga estudyante. Fvck. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? Napailing nalang ako. Si bro, cool pa din. Wala naman ‘yang pakialam. Suplado yan. Kay Yumiko lang ‘yan may pakialam. Tch. Pagdating namin dito sa may SWU quadrangle ay lalong dumami ang mga babaeng nagtitilian. Lumalapit pa sila at sumisigaw ng.. “Abellano brothers!” “Ang ga-gwapo!” “OMG, I died!” “Ang genesss!” '"Pa-lahi naman!" Lalo akong napailing. Hindi naman kami artista ni Bro. Kilala lang kami. Dahil si Bro, varsity dito dati at ako, pumasok na rin dito dati bago ako pumuntang Korea. Sinubukan naming iwasan sila pero napalibutan na kami kaya ang nangyari, naglapitan ang guard ng school at in-escort-an kami hanggang sa admission. Dinaig pa namin ang celebrity. Gano’n na ba talaga ang mga babae ngayon? Makakita lang ng gwapo..tch. “So, Mr. James Abellano.” Sabi nung nandito sa admission pagkatapos siyang kausapin ni Bro. Iba talaga ‘pag may connection. Wala eh. Si Bro ‘yan. Si Lance Abellano na bestfriend ng may-ari ng school na’to. Tumango ako sa babae saka ngumiti. I tried my best na hindi maging suplado. I don’t know how to bring back my old self after what happened..i don’t want to remember that.  “Kindly fill up this form, and then pwede ka na naming i-endorse sa klase mo.” Nakangiti pang sabi niya. “Thanks.” Matiid kong sagot saka nag-fill-up na ng form. SiBro, narinig kong may kausap sa phone, at base sa tono ng pananalita niya, alam ko ng si Yumiko ang kausap niya. Tch. Under. Binalik ko ang tingin ko sa form. Ito na ba talaga? Dalawang araw palang akong nandito sa Pilipinas galing sa Korea at nag-decide na akong pumasok ulit. Gusto ko na din namang makatapos. Hindi ko pa man SIYA nakakalimutan, gusto kong hindi ko muna siya maisip at ‘yun, gagawin kong busy ang sarili ko sa pag-aaral. Kung mananatili lang ako sa mansion baka mabaliw lang ako kakaisip. Kakaisip kung paano ko ba SIYA kakalimutan. Kung paano ako magmu-move-on at magsisimula talaga ng panibagong buhay dito sa Pilipinas na wala SIYA. Damn. It’s really hard. And it still hurts. - Mandy POV What the hell! Ayoko sa lahat pahara-harang sa dinadaanan ko. Andito ako sa SWU, kapapasok ko lang. At hindi ko alam kung bakit nagkakagulo ang mga estudyante. Gusto ko maki-usyoso pero hindi naman ako chismosa, demonyita ako. At isa pa, wala akong pakialam sa nararamdaman nila. Nagpatuloy ako sa paglalakad ko kaso, muntik ng malaglag ang shoulder bag ko nang may bumangga saking babae. Nag-init bigla ang ulo ko. “What the hell!” sigaw ko saka tiningnan ng masama ang ababeng nakabunggo sa’ken na hindi naman ka-gandahan. “Naku! Sorry, sorry! Hindi ko sinasadya.” Sinamaan ko sya ng tingin “Di ako tumatanggap ng sorry.” sabi ko saka sya sinampal. This slap thingy? It’s normal to me. I can slap whoever I want to slap. Gulat na gulat ang babaeng kamuka ni Bakekang sa ginawa ko. Hindi ba sya aware na may nag-e-exist pang demonyita sa SWU? Poor girl. Ramdam kong masama na ang tingin sa’ken ng ibang taong nakapaigid ngayon sa’men. Hell I care! This is me. Wala akong pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. Being a demonyita? Parang ang sarap sa pakiramdam na may inaapi kang tao. Masama ako ‘di ba? Masama na ang tingin nyo sakin? Well, wala naman akong pakialam sa iisipin nyo o ng ibang tao.  “Sino ka para sampalin ako? Nag-sorry naman ako ah!” reklamo niya habang sapo nag kaliwang pisngi niya na dinapuan ng precious palm ko. I crossed my arms and arched my brow. “Do I really need to introduce myself? Hmm, I’m Mandy Aguilar s***h Demonyita so don’t you dare mess up with me.” “Di naman kita inaano ah! Di ko naman sinasadya na mabangga ka. Ano bang problema mo? Di ka rin ba aware na anak ako ng nanay ko—este ng mayor?!” “Natural anak ka ng nanay mo and what did you say? Mayor? So what? Mayor lang sya, demonyita ako.” Kalmado kong sabi.  Nasa mukha niya na hindi siya makapaniwala na may kaharap siyang true-to-life demonyita. ‘Kala ba nya, sa mga pelikula lang meron no’n? Psh. “I can’t believe this! Edi ikaw na ang demonyita! Nababaliw ka na yata. Sinasayang ko lang yung oras ko sayo.” Sabi nya saka ako nilampasan. I rolled my eyes. Nilampasan nya ko? Ako na demonyita? Edi wow! Nagpatuloy na ko sa paglalakad. Siya pa daw ang nagsasayang ng oras, eh oras ko nga ang nasayang. Psh! Napatigil nanaman ako dahil sa mga babaeng nagtatakbuhan with matching sigawan pa. Ano ba talagang meron? Naguguluhan ako. Kaya ang ginawa ko? Hinarangan ko yung isang babae papunta rin sa pinagkukumpulan sa SWU Quad. “B-bakit?” tanong nya na parang nauutal pa. Malamang, kilala ako nyan. Hindi naman sa pagmamayabang pero kilala ako dito sa SWU na mahilig mang-api. Yes, mang-api talaga. “What’s happening?” tanong ko.  Biglang kumislap ang mga mata nya. “OMG! Kasi, kasi ang Abellano Brothers nandito! Ang gwapo gwapo nila! At sabi pa, nag-enroll ulit dito ‘yung mas bata! Waaaa! Sige ha, punta muna ako dun.” Pagkasabi niyon ay nagtatakbo na ang babae sa SWU quad. Kumunot ang noo ko. Like what the hell! Who’s that fvcking Abellano Brothers? Are they actors? Models? Varsity? Doctor? Engineer? Damn it! Parang pamilyar ‘yung surname na ‘yon. But, whoever they are, I don’t care. Masasayang lang talaga ang oras ko. Hindi ako fangirls tulad ng mga babaeng ‘yon na akala mo katapusan na ng mundo kung makatili. Psh! - Abala ako sa pagsasagot ng worksheet ko nang mag-vibrate ang phone ko. Dinukot ko iyon sa bag ko. Nasa labas naman ang professor kaya sinagot ko din ‘yon. “Yes, thunder?” “Susunduin kita mamaya.” Sumimangot ako saka huminga ng malalim. “And why? Dala ko ang kotse ko. I can drive alone.” Sagot ko. Itong si Thunder, minsan ang random talaga eh. Hindi naman na ako bata para sunduin sa school. “Basta susunduin kita. S ayaw at gusto mo. Tch.” I rolled my eyes. Kung nakikita niya ako ngayon, baka sinamaan na niya ako ng tingin. “Alright. Whatever you say.” “By the way, ilan na ang nasampal mo nagyong araw?” i heard him chuckle. Baliw talaga. Yeah, he’s aware na mahilig akong manampal lalo na kung ayaw ko sa tao at may nagawa siya sa’keng mali kahit pa gaano kababaw o kaliit. “Shut up.” Sagot ko lang saka pinatay na ang tawag. Ibinalik ko na ang phone ko sa bag ko saka muling hinarap ang worksheet ko. Damn. I want to finish this. Ang sakit sa ulo ng hypothesis whatever na’to. I gently massaged my temple then stare at my worksheet. Biglang sumakit ang ulo ko. Ewan ko. Napapapikit ako at parang may nagpa-flash na mukha sa isip ko. ‘Yun ba ‘yng lalaking nakalimutan ko? Sino ba atlaag iya? Bakit hindi nalang kasi nila sabihin sa’ken? Paano kung hindi ko na ma-meet ang lalaking iyon? E’di hindi mabubuo ang puzzle sa isip ko? And si Thunder? Alam kong may alam din siya kung sinuman ‘yung lalaking ‘yo. Pinapahirapan lang talaga nila ako. Psh. “Class, class! Can I get you attention?” narinig kong sabi ng professor pero nag-shrug lang ako at hindi siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya. Pagkatapos niya kaming pagsagutin ng ganito kahirap na mga hypothesis. Wala tayong pansinan ngayon. Nanatili akong nakatungo. Nandito naman ako sa huling row ng upuan. Hindi na niya mapapansin kung hindi ako nakikinig sa kanya. Nagsasagot ako ng papel nang muli kong narinig ang boses ng prof ko. Kumunot ang noo ko sa inis. He’s disturbing my mind. Aish. Nag-iisip ako ng isasagot dito sa worksheet ko eh. “So, we have a transferee. Actually, dito na siya nag-aral dati. Bumalik lang siya ng Korea at ngayon ay nagbabalik siya.” Sabi nung prof. So may transferee? So what? Narinig ko ang bulungan ng mga katabi ko. Kinikilig. Psh. Parang mga ewan. “Hi. I’m James Patrick Abellano.” Malakas na pagkabog ng dibdib ko ang nagtulak sa akin an tumunhay. Bakit gano’n? Bakit parang pamilyar ang boses ng lalaking nagsalita? At bakit parang iba ang pakiramdam ko? Bakit ganito?  James Patrick Abellano.. Sino siya? Nang makatunghay ako ay nakita ko ang..okay, I admit. Handsome guy na nasa unahan. He’s smiling a bit but when you look on his eyes, iba. Maputi siya at mukhang Korean? May lahi siuro? Nakasuot lang siya ng plain V-neck shirt at naka-pants with his sneakers. Hindi ko maintindihan kung bakit habang nakatingin ako sa kanya ay pakiramdam ko, kilala ko siya. Pero hindi eh. I don’t know him. May sinabi pa ang professor ko ‘duns a transferee. At ang mga kaklase ko, hindi magkamayaw ang kilig. Pero parang na-mute iyon habang nakatitig ako sa lalaking nasa unahan. He looked serious at mukhang suplado siya. So ito ‘yung isa sa pinagkakaguluhan sa SWU quad kanina? ‘Yung sinasabi nilang Abellano brothers? Gwapo nga at may kakaibang charm. Pero bukod do’n, may kakaiba talaga sa mga mata niya na nakatingin lang sa klase. Maya maya pa ay muling nagsalita ang professor. “Mr. Abellano, you can seat beside..Miss Aguilar.” Awtomatikon nanlaki ang mata ko. Bakit sa tabi ko pa? Aware naman sila na ayoko ng katabi dito sa room! Dito sa row namin, laging may one seat apart sa’ken. Well, wala ding tumatagal sa tabi ko dahil sa katarayan ko. But that guy.. Napatingin ako sa kanya at hindi ko maintindihan kung bakit nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa’ken. Para siyang napako d’on sa unahan ahbang nakatingin sa’ken. Yung mga mata niya..bakit parang nanggigilid ang luha niya? Anong nangyayari? Anong nagawa ko? Nagtama lang ang tingin namin at parang hindi siya makapaniwala na makita ako. May dumi bas a mukha ko? May unappropriate thing ban a nasa mukha ko or what? “Mr. Abellano? You can seat now.” Sabi pa nung professor. Para namang natauhan ‘yung transferee at lumapit sa akin. Ipinatong niya sa upuan ang bag niya saka naupo.he’s still looking at me and i felt uneasy. Bakit ba ganito siya makatitig sa’ken? “Mandy..” Nanlaki na anman ang mata ko. Kilala niya ako? Alam niya ang pangalan ko eh! At bakit..may luhang tumutulo sa mga mata nia habang nakatitig sa’ken? Pasimple akong tumingin sa paligid at wala naman sa ain ang atensyon ng buong klase. Abala na sila sa mga worksheet at lumabas na rin ang professor namin. “Uh?” wala akong masabi. I’m clueless. Bakit kasi ganito siya? Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko na nakapatong sa desk at hindi ko maintindihan ang kakaibang kuryenteng dumaly sa sistema ko nang maramdaman ang balat niya. Hindi ko binawi ang kamay ko at hinayaan lang siya. He’s still staring at me. “Mandy Aguilar..” Kumunot ulit ang nook o. Alam niya ang full name ko. “Yes..?” medyo naiilang kong sagot. Diba dapat tinatarayan ko an ang lalaking ‘to? Pero bakit ganito ang reaction ko? May something eh. “You’re alive..” Lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Alam niya ang nangyari sa’ken? “S-Sino ka?” Napansin ko ang pagkagulat sa mga mata niya. “H-Hindi mo ako kilala?” tanong niya na parang hindi makapaniwala. Umiling ako. Parang may kumikirot na rin sa parting ulo ko. Mabilis kong inagaw ang kamay ko na hawak niya saka tumayo. “I’m sorry but I don’t know you.” Sabi ko saka mabilis na lumabas sa room. Hindi ako lumingon—hindi naman sa umaasa na sundan niya ako pero gusto kong makalayo sa room na iyon kung nasaan ang lalaking iyon. He’s weird. Who are you, James Abellano? I need to ask Thunder about this. Nagre-react ang katawan ko, ang isip ko sa kanya at ang isang nakakapagtaka, may familiar na pumintig dito sa bandang dibdib ko nung hawakan niya ang kamay ko. Naguluhan ako bigla. What exactly happening to me? This is..unexplainable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD