Mandy POV Ang gaan gaan sa feelings. Mula nang makasama ko no'ng isang gabi si James sa amusement park, nabawasan 'yung nagpapabigat sa dibdib ko. Kasi nga hindi ako makaalala. Ang hirap kasi wala naman akong makapang kahit ano. Pero ngayong, nakausap ko si James ng masinsinan, masaya ako. Masaya talaga ako. No'ng umuwi ako ng gabing iyon, galit na galit sa akin si Thunder. Hindi man lang daw ako nagpaalam. Pero hindi ko naman sinabi sa kaniyang nakipag-date ako kay James Abellano. Sinabi ko lang na napasarap ako sa pamamasyal ng mag-isa. Naniwala naman siya kaya wala ng kaso. Bumaba na ako sa kotse saka naglakad na parang reyna. Lagi naman, e. Hindi ako naglalakad sa loob ng campus ng SWU na parang hindi pansinin. Gusto ko talaga napapansin ako, at gusto ko ang idea na maraming ilag s

