NIKOLAI'S POV Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. Anong ginagawa niya rito? At bakit kasama niya ang tatay ko? "Hindi ko rin inaasahan na nandito ka," sabi ko, saka tumingin sa aking ama. "I hired her as my secretary," sagot niya nang walang alinlangan. Ngumiti si Naya. "Secretary?" Bahagya akong tumawa, pero ramdam ang inis sa tono ko. "Ang bilis niyo namang nakahanap ng secretary." "Oh, as soon as pagkalapag ko kanina, tinawagan ko si Ruth. Sinabi kong kailangan ko ng secretary, at may ni-recommend siya—si Miss Castello. Biglaan nga. Anyway, let's have a seat. Dinner is about to be served." Hinila niya ang isang upuang nasa pagitan namin, na para sana kay Naya. Ngunit tumanggi si Naya. "Dito na lang po ako, Sir Olas." Napakunot-noo ako nang umupo siya sa upuang dapat ay par

