NAYA'S POV Habang busy ako sa aking laptop. Tumunog ang cellphone ko. Si Daddy. Binasa ko ang message. Kumusta, Anak? Hindi ako nagreply. Tinawagan ko siya. Video call. "Daddy! How are you? Na miss kita!" "Kung hindi pa ako nag message sa iyo, hindi mo rin ako maalala ano?" Napatawa ako. May tampo sa kaniyang mga boses. "Daddy, naman alam mong sobrang busy ko lang." "Kumusta si Niko. Kelan ko ba makikita ang batang yan malaki na siya. Bihira ko lang nakakausap kahit sa video call man lang." May lungkot sa mga mata ni Daddy. "Pasensiya na po talaga, Daddy. Mamaya pag-uwe ko. Okay lang po ba kayo? Parang malungkot po kayo?" Nasa harap ito ng study table niya. Nakakalat ang mga papel. "Ito hindi ako makatulog. I am very disappointed." Napatutop siya sa noo niya at hinilot h

