Marcus’ Point of View “Tay, kamusta po kayo?” Tinawagan ko kaagad si tatay kinabukasan. “Okay naman kami ng nanay mo. Buti hindi mo pa limot ang numero ng bahay,” sagot ni tatay. Napakamot ako ng ulo. “Ano na namang gulo ang pinasok mo at tumatawag ka ng kay aga-aga?” tugon ni tatay. Pati si tatay sinasabon ako. Alas sais pa lang kasi ng umaga, tinawagan ko na siya. Hindi pa yata nag-aalmusal, ginugulo ko na. “Tay… paano mo niligawan si nanay?” “Babae ang problema nito. Gusto mo bang sumaglit umuwi at nang magkakwentuhan tayo?” tanong ni tatay sa akin. Kailan ba ako huling nauwi? Napakagaling ko talagang anak. “Sige po. Uuwi po ako. D’yan na rin po ako kakain.” Sinalubong ako ni nanay at tatay sa labas ng bahay pagdating ko. Parang limang tao ang kakain sa hinanda ni nanay. Nakaka-g

