Kath’s Point of View Pagkatanga-tanga mo, Kathleen. Hindi ka na nadala sa inabot mo, ano?! Gusto mo pa talagang dagdagan. Paulit-ulit na kastigo ng isip ko habang palabas kami sa Club Zero. “Your place or mine?” Marcus asked me, na nagpabalik sa akin sa katinuan. Pero bago pa ako makapag-isip, narinig ko ang kusa kong pagsagot. “Mine,” I replied. Nagmamadaling hinila ako papunta sa parking lot ni Marcus. “Teka, slow down. Madadapa—” Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin nang buhatin ako ni Marcus na parang ang gaan-gaan ko. “Masyado kang mabagal,” he replied on a strained voice. I’ve never seen Marcus so focused until this night. He really is a man in a mission. Napa-oh na lang ako. Sumama na sa hangin ang kung ano mang pangaral ng utak ko. Lust over mind. This is just a lust.

