Kath’s Point of View Nasa trabaho ako… Gago. Sinong niloko mo?! Iba ang tinatrabaho mo, kupal ka. Pare-pareho kayong mga lalaki, magkakaiba lang kayo ng lahi pero iisa ang gusto niyo. At ako naman si tanga, asang-asa dahil akala ko ay iba ka dahil mabait ka sa anak ko. Iyon pala pasakay mo lang, tangina ka. Unti-unting pumatak ang mga luha ko habang minumura ko si Marcus sa isip ko. Sa sobrang galit ko, pinalitan ko ang bed sheet pati ang cover ng comforter para lang maalis ang amoy niya. Pati mga unan ko tinanggalan ko ng punda, ini-sprayan ng Downy. Nilampaso ang buong bahay at nilagyan ng sanitizer. Pati ang wall ng toilet pinakintab ko. Nai-imagine ko ang mukha ni Marcus sa bawat pagkuskos ko ng tiles. Gusto ko rin siyang burahin sa mundo. Nag-amoy hospital ang buong bahay ko bago

