KATE . . Hays Hays Narito pa rin ako sa kwarto, nakabihis nako't lahat lahat pero wala talaga akong balak tumayo at pumasok. Hindi pa ako nakatulog ng maayos kagabi. *peep* *peep* Hays andyan na si Owen. Pwede bang mag sick leave saglit? O di kaya ay mag awol nalang, uso naman yun diba ahaha puta. Nag doorbell si Owen at ilang ulit tinawag ang pangalan ko pero di muna ako sumagot. Baka sakali aalis din siya hahaha desidido na talaga ako mag absent! Bat kasi nalaman ko pa yun edi sana hindi ako maawkwardan ng ganito, naku naku kagigil. "Kate?!" tawag pa rin ni Owen sa labas, napabuntong hiningang tumayo nalang ako tsaka ito binuksan. "Ayos ka lang? Let's go na?" tanong nito ng nakangiti, napatitig tuloy ako sakanya. Buti nalang talaga may kaibigan akong taga hatid sundo haha. Nap

