KATE . . Nagising ako ng mag umaga na, todo tulog tulugan talaga ako kagabi para lang makaiwas sa kahihiyang ginawa. Rinig kong napapamura pa siya sa amoy pero mukhang wala lang ata sakanya iyon dahil binuhat niya pa ako papasok sa apartment ko nyahahahaha. Ba't kasi ako hinatid ayan tuloy napala mo! Pero kahit papano nakaka konsensya din pala haha. Pano ko nalang kaya siya mahaharap nyan. Ay ayos lang pala today dahil sure naman ako hindi ko yun makasalamuha since once a week ko lang linisin yung room niya. Kahit masakit ang ulo ay agad na ako bumangon para magluto ng pang umagahan, kumain na din ako pagkatapos, tsaka naligo na rin bago dumiretso sa hotel. Absent si Owen ngayon dahil may emergency sakanila kaya commute muna ako. Buong araw hindi talaga ako dumaan sa room niya, i

